Nasa office ako ngayon and I am currently replying to some emails. Mag-oopen na sana ako ng panibagong mail ng mag-alarm ang aking phone.
I looked at my phone and saw that it is already 10:30. I always set the alarm 30 minutes before the actual time para if in case may unforeseen event, may allowance pa sa time.
Agad akong tumayo para sabihan si Sir Alex.
Kumatok muna ako bago nagsalita. "Sir si Anika po ito," I said."Pasok," narinig ko namang sagot niya.
"Sir you have a meeting with Mr. De Guzman in 30 minutes," sabi ko pagkapasok ko sa office niya.
Nakita ko naman itong tumango bago magsalita, "Thanks for the reminder Annie," narinig kong sagot niya.
Akmang lalabas na sana ako ng opisina ng bigla na naman itong magsalita. "Sumama ka mamaya Annie. Kailangan ko ng magtatake ng notes dahil marami kaming pag-uusapan."
"Yes, Sir,"sagot ko naman bago tuluyang lumabas.
Nandito na kami ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa office. Dito kasi napagkasunduan na magkita nila Sir. Nasa loob kami ng isa sa mga private rooms ng resto para na rin sa privacy.
"They are late," naiinis na turan ni Alex.
Late na kasi sila Mr. De Guzman. Mag lalabinlimang minuto na kaming nandito pero wala pa rin sila.
"Malay mo na traffic," sabi ko naman.
Huminga lamang ito ng malalim at halatang naiinis na siya. Kahit ako naman ay naiinis na din kaya lang wala namang mangyayari kung magpapadala ka lang sa inis.
Besides kailangan na mayroong magpakalma kay Alex. Mabilis kasi siyang maubusan ng pasensya. Bata pa lang kami ganyan na siya. Palaging nagpapadala sa emosyon kaya kami naman ni Jessa ang laging nagpapakalma sa kanya.
Lumipas ang ilan pang minuto at dumating na rin sila Mr. De Guzman at ang secretary nito. Kung masasabi mo pa bang secretary ito.
Pinilit kong hindi ipakita ang pagka asiwa ko sa secretary ni Mr. De Guzman. Paanong hindi ako maasiwa eh napaka iksi ng palda niya yung tipong yuyuko lang siya ng kaunti ay makikita na yung panloob niya. Tapos yung pang-itaas niya nakabukas yung tatlong butones. Hindi mo tuloy alam kung makikipag meeting ba talaga siya o mang-aakit
"We are very sorry we are late Mr. Rodriguez. Nagkaroon kasi ng aksidente sa daan kaya naipit kami sa traffic," narinig kong paliwanag ni Mr. De Guzman.
Tumango naman si Alex at sinabing, "No worries Sir, we understand."
Tss, plastik. Parang kanina lang inis na inis siya tapos ngayon akala mo ang bait? Lagot sa akin to mamaya.
"That is good to here," narinig kong sagot naman ng Mr. DG.
"Please sit," sabi naman ni Alex at naupo naman ang dalawa.
"I am very glad that you are able to meet with us today," pagsisimula ni Alex. "By the way, this is my secretary, Anika Gonzales. She is the one who has been communicating with you these past few days."
Ngumiti naman ako sa kanila bago magsalita, "It's nice to meet you sir, ma'am."
Pinasadahan naman ako ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa. It made me feel uncomfortable pero hindi na lang ako nagsalita.
"Yes, very nice indeed," sagot naman nito habang nakatitig sa aking harapan.
Kinilabutan ako dahil doon.
"Let's start," may diing pagkakasabi ni Alex.
Naupo naman na din kami. Magkatapat ng upuan sila Sir at Mr. De Guzman tapos kami naman nung secretary.
I looked at him and saw that he is looking straight at Mr. De Guzman with his jaw clenched.
Nakita niya siguro yung ginawa ni Mr. De Guzman.
Tila napansin din naman ito ni Mr. De Guzman kaya bigla itong umayos at dali-daling sinimulan ang kanyang proposal
Hindi ko na nagawang maging komportable during the meeting. Naisip ko pa rin kasi yung kabastusan ng lalakng yun. Hindi na ako ngayon nagtataka kung bakit ganoon yung secretary niya.
Ng matapos na ang meeting ay agad naman kaming sumakay sa kotse ni Alex para bumalik na sa office.
"Pwede ba tayong dumaan sa KFC?" tanong ko kay Alex nagugutom na kasi ako. Hindi ko kasi nagawang kumain kanina dahil naaasiwa ako.
"Sure," sagot naman ni Alex.
"Kahit sa drive through na lang," sabi ko naman.
"No, magdine- in tayo. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo.
Naintindihan ko naman kung anong ibig niyang sabihin kaya pumayag na ako.
Medyo nagtagal kami sa KFC kasi napadami kami ng pagkain. Comfort food kasi namin ito pareho. Kapag naiinis kami, nalulungkot or kung ano man, KFC ang takbuhan namin.
Naubos na namin yung isang bucket ng manok pero gutom pa rin ako.
"Alessandro," tawag ko sa kanya at agad naman siyang tumingin.
"Bakit?" tanong niya habang kumain ng mashed potato.
"Akin na lang yung brownies mo," sabi ko. Yun kasi yung pinaka favorite ko dito sa KFC.
"No," sagot naman niya. "Kinain mo na yung sayo."
"Eh gutom pa ako," sagot ko naman habang nakanguso.
"No," sagot pa rin niya.
"Sige na Alessandro," pamimilit ko.
"No, this is mine," sagot naman nito bago niya sinubo ng buo yung brownies.
Ilang segundo akong tulala, tila hindi pa nag reregister sa utak ko yung nangyari.
Nang marealize kong wala na yung brownies tinignan ko siya na parang maluluha na.
"Ang damot mo," bulong ko na parang bata. May pumatak pang luha galing sa mga mata ko.
Pagkakita sa akin ni Alessandro ay para itong nataranta. "What? Why are you crying woman?"
"Brownies," sabi ko naman habang pumapatak yung mga luha ko.
Napabuga naman ng hangin si Alessandro. "I'll buy you brownies if you stop crying," narinig kong sabi niya.
Nagliwanag naman ang mukha ko pagkatapos kong marinig yun. "Talaga?" excited kong tanong.
Inikutan niya lang ako ng mata bago siya pumuntang counter para umorder
"Parang bata," narinig ko pang bulong niya sa sarili.
Tahimik lang kami habang nagbibiyahe pabalik sa office. Si Alex nagcoconcentrate sa pagmamaneho samantalang ako ay sa pagkain ng brownies.
Ng makarating sa parking lot, nagtataka ako dahil hindi pa bumababa si Alex. Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
"Sorry," narinig kong sabi niya.
"Bakit ka nag-sosorry?" takang tanong ko sa kanya. "Dahil dun sa brownies?"
"Hindi-" magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko siya.
"Alam mo Alessandro, mahal pa rin naman kita kahit na hindi mo ako binigyan ng brownies," sabi ko sa kanya ng may nakakalokong tingin.
Inirapan niya lang ako kasi alam naman niyang pinapalitan ko lang yung topic at alam ko talaga yung gusto kong sabihin.
Natawa naman ako kasi ang pikon niya.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago ko siya binigyan ng matamis na ngiti.
"Thank you," sabi ko sa kanya. "And no need to say sorry kasi di mo naman kasalanan yun."
Tumango lang din siya bago din niya ako hinalikan sa pisngi. "Thanks."
Ngumiti na lamang ako tapos lumabas na ng kotse.
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends