Chapter 10

448 43 2
                                    

I woke with my head pounding. Ang sakit! Ano bang nangyari kagabi? Bakit sobrang sakit ng ulo ko?

Dahan-dahan akong umupo para hindi sumakit lalo. Habang patayo ako ay nahagip ng mata ko ang tasa ng kape na nasa night stand. Mayroon din itong kasama na aspirin at isang note.

Dear Alessandro,
     Hinanda ko na ang hangover cure mo. Nagluto na din ako ng almusal. Initin mo na lang sa microwave kung malamig na.

Sa susunod na uminom ka ng hindi ako kasama, makakatikim ka talaga sa akin.

P.S. Naka 8 na bote ka lang. Matanda ka na. Gurang.

Natawa naman ako dahil dun sa nakasulat sa note. Ininom ko na din yung aspirin at kape.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong maligo. Nagugutom na kasi ako. Mabuti na lang at pinagluto na ako ni Anika.

Pinilit kong alalahanin kung ano bang nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay noong yakap ko ang picture ni Jessa habang umiiyak. Ni hindi ko man matandaan kung kailan dumating si Anika.

Ngayon na lang ako ulit nablack out pagkatapos uminom. And to think na walong bote lang yung nainom ko?
Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa ginawa ko.

Sunday ngayon kaya hindi ako pupunta sa office. Gustuhin ko mang magtrabaho ay hindi pwede. Natapos ko na kasi lahat ng kailangan kong gawin nung isang araw. Balak ko kasi talagang magcelebrate ngayon, kaya lang wala na yung dahilan para mag celebrate.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ano kayang pwedeng gawin? Ayaw ko namang mag stay dito sa unit. Nakakabagot.

Kahit na hindi ko pa alam kung saan ako pupunta ay naghanda na ako. Pagkasakay ko ng kotse ay hinayaan ko lang ang sarili kong mag drive. Bahala na kung saan ako mapadpad. Gusto ko munang makapag-isip.

Nag drive lang ako ng nag drive hanggang sa napansin ko na nasa tapat na ako ng sementeryo. Hanggang ngayon talaga siya ang takbuhan ko kapag may problema ako.

Lumabas ako ng kotse nagtuloy-tuloy papasok. Papunta sa mahal ko.

Jessa Nicole Gonzales
1994-2016
A person loved by all

Yan ang nakasulat sa lapida ng puntod niya. Simple lang pero dama mo kung gaano siya kahalaga.

Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito. Halos isang taon na din. Masyado kasi akong nabusy sa pagmamanage ng company ni lolo.

Si Lolo...

Hindi maiwasang sumama ang loob ko sa tuwing naaalala ko si Lolo.

"Hi baby," bati ko habang tinatanggal yung mga tuyong dahon sa puntod niya. "Kamusta ka na? Sorry kung hindi ako madalas makapunta dito."

Pinilit kong pigilan yung pag bagsak ng mga luha ko pero di ko nagawa.

"Miss na kita."

"Alam mo ba? Pinipilit ako ni Lolo na magpakasal. Sabi niya hindi mahahand over sakin ang company kapag di ako nagpakasal."

"Ang unfair nila no? Alam naman nila na ikaw lang ang gusto kong pakasalan," sumbong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Magagalit ka ba kung magpapakasal ako sa iba? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba?"

"Alam mong hindi ganyan si Ate," nagulat ako ng may biglang nagsalita.

Lumingon ako para makita ko si Anika. Sobrang seryoso ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng panyo.

"Alam mo yon Alex. Gusto kang maging masaya ni Ate. Kung ang company ang makakapag pasaya sayo, hindi siya magagalit kung magpapakasal ka sa iba."

"Ipagpapalit ko ang mahal ko para lang sa kumpanya," napatawa ako ng mapakla.

"Hindi lang yun basta kumpanya. Ginugol mo ang buong buhay mo para lang mapaghandaan ang pagpapatakbo non." she said it with great conviction na pati ako napa-alalahanan.

"Alam mong alam din ni Ate yon."

Hindi ko napansin na tumutulo na naman yung luha ko kung hindi pa sinabi ni Anika.

"Ihh! Ano ba yan Alessandro! Kalalaki mong tao iyak ka ng iyak!" sabi niya habang pinupunasan ang sarili niyang luha.

Napatawa naman ako dahil sa inasta niya.

"Ngayon tumatawa ka?! Anong nakakatawa ha?!" parang batang naiinis na tanong niya. May luha pa ngang pumapatak sa mga mata niya.

Mas lalo akong natawa dahil don.

Tumawa lang ako ng tumawa. Grabe, I haven't laughed like this in ages.

Nang mahimasmasan na ako ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, Anika." sabi ko habang yakap yakap pa din siya. Niyakap niya lang ako ng mahigpit bago siya humiwalay.

Hinawakan niya ang pisngi ko at seryosong tumingin sa akin.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Hindi ko rin pwedeng diktahan ang nararamdaman mo. Pero sana huwag mong kakalimutan yung mga taong nagmamahal sayo, gaya ni Ate. Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakita ka niyang ganyan?" sabi niya.

Napaisip naman ako dahil sa mga sinabi niya.

Ganon ba talaga kababaw ang tingin ko sa pagmamahal ni Jessa at naisip kong magagalit siya kung magpapakasal ako sa iba? At isa pa, hindi din naman niya gugustuhin na ikulong ko ang sarili ko sa ala-ala niya.

Napahinga ako ng malalim sa mga narealize ko.

"Tama ka," sabi ko kay Anika.

"Lagi naman akong tama hindi ka lang nakikinig sa akin," sagot niya. Pagkatapos non ay gumaan na naman ang atmosphere.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Tara na Alessandro. Kain tayo," pag-aaya niya sa akin bago siya tumayo.

Sumunod lang ako sa kanya.

Salamat Anika.

Salamat at lagi kang nandiyan.

Salamat...

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon