Chapter 19

322 34 3
                                    

I can't help but feel guilty after I saw Annie. She has tears falling from her eyes and I can also see her hands shaking.

Dapat ba hindi ko na siya tinakot?Napasobra ata ako sa biro ko.

"Sorry."

Mas lalong sumama yung tingin niya sa akin pagkasabi ko non. "I hate you, Alessandro! I hate you!" she said before she went to the balcony of her room.

Napangiwi naman ako dahil doon. Paano ba to? I actually came here to apologize because I've been avoiding her. Nahihiya kasi ako sa kanya.

She married me because we thought that Lolo will not make it. But now that he is alive and well, I can't help but think that she lost her chance to marry the one that she loves because of me.

Sinundan ko siya sa balcony at nakita ko siyang nakaupo habang nakatingin sa mga bituin.

Umupo ako sa tabi niya pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Napabuntong hininga ako. "Annie, sorry na." paghingi ko ng tawad pero wala pa rin yung epekto.

Hindi naman ako agad sumuko. Kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa pansinin na niya ako. "Ano ba, Alessandro!"

"Sorry na kasi," sabi ko sa kanya. "Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Sorry kung tinakot kita."

Tinignan niya lang ako sandali pero binalik niya rin yung tingin niya sa langit. "Hindi lang naman yon ang ginawa mo."

Sabi ko na nga ba at hindi lang yon ang ikinagagalit niya. Alam kong ang pag-iwas ko sa kanya ang totoong issue.

Inabot ko muna yung kamay niya bago ako nagsalita. "Sorry kung hindi kita pinapansin."

Tumingin siya sa akin ng may lungkot sa mga mata niya. "Maiintindihan ko naman kung ayaw mong ipagpatuloy ang marriage natin. Alam ko naman na malayo ako sa mga tipo mo. And sa akin lang, sana sinabi mo na lang ng harapan at hindi yung pinamukha mo pa sa akin na nagsisisi ka na pinakasalan mo ako."

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Anong pinagsasasabi mo diyan?"

" Di ba kaya hindi mo ako pinapansin ay dahil pinagsisisihan mong ako yung pinakasalan mo?"

Anong kinain ng babaeng ito at kung anu-ano na lang ang sinasabi? Or better yet, kumain na ba ang babaeng ito? Gutom na ata to eh.

Pinitik ko ang noo niya at baka sakaling bumalik siya sa katinuan.

"Aray!" sigaw niya bago ako hampasin sa braso. "Ano ba, Alessandro!"

"Kung anu-ano kasi yung sinasabi mo eh."

"Totoo naman kaya! Bakit mo ako hindi papansinin kung hindi ganon?" pagpupumilit niya na parang bata.

Ito talagang babaeng ito. "Hindi nga ganon," sabi ko habang pinanggigigilan ang ilong niya.

"Eh ano pala kung ganon?"

"Nahihiya kasi ako sayo," sagot ko.

Siya naman ang naguguluhan ngayon. "Huh?"

"Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ay kinuha ko ang chance na mapakasalan mo ang taong mahal mo."

Natahimik naman siya pagkasabi ko non. Walang nagsasalita sa amin. Siguro narealize niya na tama ako. Na I ruined her chance to have a good marriage.

Nabalik na lang ako sa realidad ng bigla niya akong batukan. "Siraulo ka pala eh! Sana kinausap mo na lang ako para hindi na ako nastress!"

Inirapan ko naman siya dahil sa ginawa niya. "Bakit sino bang nagsabi na mag-assume ka ng kung anu-anong bagay? Ako ba?!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya tumayo. "Ewan ko sayo!" sabi niya bago siya nagwalk-out.

Lalabas na sana siya ng kwarto kaya lang ay hindi niya mabuksan yung pinto.

"Naka-lock yan. Kinulong tayo ng mga nanay natin," sabi ko sa kanya.

Kanina kasi ay inutusan ako ni Tita na tawagin si Annie dahil nga daw natutulog siya. Nagulat na lang ako ng biglang may naglock ng pinto pagkapasok ko pagkatapos non ay narinig kong may nagtatawanan sa labas. That's when I knew na pinlano nila ito.

"Huh? Bakit naman nila ginawa yun?"

"To get us to talk to each other, obviously," sagot ko sa kanya.

Noong narealize niya na tama ako ay padabog niyang sinipa ang pinto.

"Bakit hindi na lang pagkatapos kumain! Gutom na ako!" sabi niya habang patuloy siya sa tantrums niya.

Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya.

"Just call your, Mom. Sabihin mo na nagka-ayos na tayo," I suggested.

Kinuha niya yung phone para tawagan si Tita. "Arghh... ayaw niyang sagutin!" she said.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dad, dahil sigurado ako na hindi rin sasagot si Mom. Laking gulat ko ng pati siya ay hindi sumasagot.

"Hindi rin sumagot si Dad," sabi ko kay Anika. After a few minutes ay nakatanggap ako ng message saying na bukas pa daw nila kami palalabasin.

I assume na pareho kami ng natanggap na message ni Anika dahil nagtatantrums na naman siya

"Alessandro, gutom na ko!" she complained.

Hindi ko naman siya masisi dahil pati ako ay gutom na. Dapat man lang sana ay pinadalhan nila kami ng pagkain. Minsan talaga ang parents namin...

I was about to call my Dad again when I remembered something. Tumingin ako sa balcony at nakita ko na nandoon pa rin ang malaking puno na nakatanim sa tapat non.

"Nice," bulong ko sa sarili ko. "Anika diba may mag spare clothes ako dito?"

Yup, I have some spare clothes here. Don't ask why. Kagagawan yun ng mga nanay namin.

Nagtataka naman niya akong tinignan. "Oo, bakit?"

"Change your clothes. We're going to sneak out," sagot ko sa kanya.

Tila nagets naman niya ang sinasabi ko dahil kumilos na nito agad.

Nang matapos na kaming magbihis ay ginamit namin yung puno para makababa kami. We used to do this all the time kaya sanay kami ni Anika.

Mabuti na lang at dala ko ang wallet at car keys ko.

Tumatawa kami habang tumatakbo papunta sa parking lot. Grabe para kaming mga students ulit.

Ng makasakay kami sa kotse ay sabay kaming sumigaw ng, "KFC!" tapos tumawa kami ulit.

Agad ko namang pinaandar ang kotse. Baka kasi mahuli pa kami.

Napangiti ako habang nagmamaneho. Mabuti naman at nagkaayos na kami.

Life without Anika is hard. Para kasing may kulang.

She is a big part of my life

Now that we're okay, buo na ulit ako.


***
A/N: Ang weird nila no?


My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon