Chapter 43

219 26 2
                                    

Nandito kami ngaayon sa presinto. Kasama ko sila Dad, ang father ni Anika, at si Detective Garcia.

Nagpunta kami para makita ang babaeng yon.

I clenched my fists in anger. Sa tuwing naalala ko ang ginawa niya ay mas tumitindi pa ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.

I will never forgive that woman for what she did.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko na si Dad pala yon.

"It's time," sabi niya sa akin.

My whole body is shaking. I did not know if it is due to anger, anticipation or nervousness. All I know is that I am going to meet that woman and I will make her pay for everythig that she has done to us.

Nang malapit na kami sa selda ay nakarinig ako ng tawa pero ramdam ko na hindi ito dulot ng kaligayahan.

It came from something evil.  It was so dark that it gave me chills.

I can feel my heartbeat raising as we approach the cell but I tried to ignore it.

She won't be able to hurt us anymore.

We caught her for real this time.

***

I am now staring at the back of the woman that I want to destroy.

Her back was turned to us pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

"Gimenez, may gustong kumausap sayo," sabi nung officer na kasama namin.

Tumigil sandali ang pagtawa niya pero hindi nagtagal ay nagsimula na naman ito habang unti- unting  humaharap sa amin.

Then, when she is finally facing us ay bigla siyang ngumiti ng nakakatakot.

"Why hello, Alex my dear!" mapang-akit niyang bati sa akin. "Hindi mo man lang  ako sinabihan na dadating ka. Edi sana nakapaghanda ako. Ang pangit tuloy ng suot ko," dagdag pa niya bago siya ngumuso.

She is wearing a prisoner's uniform.

"Huwag mo akong kausapin ng ganyan," malamig kong tugon sa kanya na naging dahilan ng muli niyang pagtawa.

"Bakit naman? Ayaw mo na ba sa akin? Dumating lang ang malanding yon nakalimutan mo na ako?"

Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ng father ni Anika.

"How dare you!" galit na sigaw niya. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkagalit pero hindi man lang natinag ang babaeng yun. Bagkus ay napangisi pa ito.

"So ikaw ang tatay ng malanding yun. Kanina ko pa iniisip kung sino sa inyp ang tatay eh," sabi niya.

"Wala kang karapatang tawaging malandi ang anak ko," sagot ng tatay ni Anika.

Inihilig ng babae ang kanyang ulo na animo'y nag-iisip. "Bakit naman? Totoo namang malandi siya ah."

Sasagot pa sana ang tatay ni Anika pero biglang nagsalita ulirt yung babae. "Nagawa nga niyang lampasan ang kalandianng ate niya eh."

Natigilan naman kami dun sa sinabi niya.

"A-anong sinabi mo? Ulitin mo nga, " sabi ko sa kanya.

"Ang alin? Yung nalampasan niya yung kalandian ng ate niya?"

"Papaano mo nalaman ang tungkol sa ate niya?" tanong ko sa kanya.

Paano niya nalaman ang tungkol kay Jessa?

"Siyempre kilala ko rin yung babaeng yun. Siya kaya ang naunang nang-agaw sayo sa akin."

Hindi ko alam kung bakit pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat din ang pakiramdam ko at nahirapan akong huminga.

"We went to the same school. Didn't you know that?"

Ano? We went to the same school?

"Gustong-gusto kita noon. I was about to confess my feelings kaya lang umepal yung Jessa na yun. She took you away from me," sabi pa niya.

"Akala ko nga noong nawala na yung babaeng yun ay mapapasakin ka na. I was really determined to get you then, kaya lang my father sent me to America. Ilang years din ako roon pero I never forgot about you. I even hired someone to watch you para informed pa rin ako sa lahat ng nangyayari sayo."

Seryoso ba ang babaeng ito? Ganon na niya katagal ginagawa ito?

"Tapos noong nakipag date ka sa akin, I thought that was my chance kaya lang umepal naman ang nakababatang kapatid ng babaeng yon," sabi niya bago siya tumawa ng malakas pero this time it sounded darker and more evil.

Nang humupa na yung tawa niya ay isa-isa niya kaming tinignan. Then she fixed her eyes on me.

Natakot ako sa nakita ko sa mga mata.

Hindi ko namalayan na humakbang pala ako paatras.

Tinitigan niya lang ako bago siya nagsalita.

"Inagaw ka rin niya sa akin," sabi niya, "Kaya I got rid of her just like what I did to her sister."

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon