Sa wakas!
Nakabalik na rin kami ni Alex sa office.
Sobrang saya ko dahil makakapasok na ulit kami. Kahit naman kasi marami kaming ginagawa dito ay namiss ko talaga ito. Pakiramdam ko bumalik na ang lahat sa dati dahil nandito na kami ulit.
"Hi, Ms. Anika!" narinig kong may bumati sa akin.
"Hello, Bryan!" masigla kong bati habang naka ngiti.
"Mabuti naman at nakabalik ka na," sabi niya at ipinatong ang mga files na dala niya sa table ko.
"Oo nga eh," sagot ko naman. "Namiss ko ang office."
Ngumiti naman ito dahil sa sinabi ko. "Tinatanong na nga kayo ni Trisha sa akin eh. Ang tagal niyo na daw kasing hindi pumupunta sa resto niya."
Hala...
Oo nga pala. Nakalimutan ko yun ah. Sigurado akong nagtataka yung babaeng yun kung bakit hindi ako nakakapunta sa resto niya.
Ever since kasi nung birthday ni Bryan ay naging close kami ni Trisha. Doon ako palagi bumibili ng lunch namin ni Alex.
Malamang marami siyang tanong pag nagkita kami.
Napangiti ako. "Baka pumunta ako mamaya. Namiss ko din yung babaeng yun."
Nakita ko naman siyang tumango. Sige, Miss. Siguradong matutuwa siya."
***
Gaya ng sinabi ko kanina ay pumunta ako sa resto ni Trisha.
Gusto pa nga sanang sumama ni Alex kanina nung nagpaalam ako pero tumanggi ako.
I need my girl time. Hindi naman pwedeng magkasama kami ni Alex sa lahat ng oras.
Isa pa, may kasama naman akong bodyguard. Hindi naman ako papabayaan ni Kuya.
Pinili namin na magkaroon pa rin ng bodyguard. Napamahal na kasi sila sa amin. Isa pa, wala namang nakakaalam kung anong pwedeng mangyari. Mas mabuti nang sigurado.
Pagkapasok ko pa lang sa resto ay may biglang yumakap sa akin.
Nagulat man ako ay nagawa ko pa rin itong yakapin pabalik. Ang babaeng ito talaga...
Noong kumalas na kami sa yakap ay hinampas naman niya ako sa braso. "Aray naman!"
"Dapat lang yan sayo! Nawawala ka kasi ng ilang araw ng walang pagsabi!"
Ngumuso naman ako. "Kaya nga ako nagpunta dito para magpaliwanag eh."
"Hmp!" sabi niya sa akin bago pinag-krus ang mga braso.
Hay naku. Parang bata.
"Sorry na," paglalambing ko sa kanya. Niyakap ko ang braso niya saka ako nag- puppy eyes.
Nakita ko kung paano niya sinubukang labanan ang epekto ng puppy eyes ko kaya lang hindi pa rin siya umubra.
Ha! Akala mo ah
Napabuntong hininga siya. "Fine," she said in defeat. "Pero you need to tell me everything."
Agad naman akong tumango. "Sure!" sabi ko naman. "Pero pwede mag-order and padeliver muna ng lunch ni Alex?"
Tumili naman ang babaeng kasama ko. Tumingin tuloy sa amin yung mga customers. "Ayieee! Kinikilig naman ako sayo!"
Napailing na lang talaga ako.
***
"What???!!!!" sigaw ni Trisha pagkatapos kong ikuwento yung nangyari.
"Oo, ganon ang nangyari" sabi ko sa kanya. "Sorry kung hindi kita nasabihan. Kinuha kasi nila yung mga phone namin."
"Hay naku. Ok lang yun," sabi naman niya. "Ganon naman pala ang nangyari. That's understandable."
"Thank you," sabi ko habang naka ngiti.
"Mabuti na lang at nahuli na yung gumawa nun sayo," sabi niya pa. "Grabe, you must have been scared." The look of horror evident in her face.
"I was," sagot ko. "I'm just glad that it's finally over."
Kung nagpatuloy pa siguro yon ay baka kung ano ng nangyari sa akin. Feeling ko nga ay natrauma ako dahil doon.
"Ay true," pagsang-ayon naman niya.
Nagkuwentuhan pa kami ni Trisha hanggang sa matapos na ang lunch break ko.
"Paano ba yan. I need to go na," pagpapaalam ko.
Tumayo si Trisha para yakapin ako. "Bye, girl," sabi niya sa akin. "Lagi ka na ulit dito ah?"
"Of course," sagot ko namang sa kanya. "Bye!"
"Ingat ha! Say hi to your hubby for me!" pahabol pa niya.
Natawa naman ako. Si Trisha talaga.
***
When I got back to my desk ay biglang tumunog ang intercom ko.
"Yes?" tanong ko.
Boses ni Alex ang lumabas. "Come to my office."
Agad naman akong sumunod sa utos niya.
Pagkapasok ko sa office niya ay bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng asawa ko.
"Ano ba yan, Alessandro. Bakit ganyan ang itsura mo?" natatawa kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako sinagot at nagpout na parang bata.
Sinong mag-aakala na ang kinatatakutang Alex Rodriguez ay may ganitong side?
Naiiling ko siyang tinanong ulit. "Napano ka?"
Hindi siya sumagot bagkus ay iniunat niya ang kanyang mga braso na parang nanghihingi ng yakap.
Kahit natatawa ako ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"You didn't eat lunch with me," sabi niya habang nakayakap sa akin.
"Ito naman parang bata," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.
"I missed you," sabi niya sa akin.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Pagbigyan niyo ako. Minsan lang ako kiligin.
"Miss agad? Halos one hour lang naman akong nawala."
Kumalas naman siya sa yakap namin para matignan niya ako. "It doesn't matter," sagot naman niya. "Namiss pa rin kita."
Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Tumigil ka nga diyan Alessandro at kinikilig ako."
Huli na nung narealize kong nasabi ko pala talaga siya at hindi lang sa isip ko.
Ngumisi ang loko. "So kinikilig ka pala sa akin?"
Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga kamay ko. Grabe nakakahiya!
Narinig ko pang tumawa si Alex dahil sa ginawa ko.
Bakit ang bilis namang mabaligtad ng sitwasyon? Kanina lang siya yung tinatawanan ah.
Tinggal ni Alex yung pagkakatakip ko sa mukha ko.
"You don't have to be shy you know?" sabi niya. "It's actually cute."
"Really?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito. "Oo naman," sabi niya. "Ngayon pa lang kaya kita nakitang ganyan. Marunong ka rin palang kiligin no?" pang-iinis niya ulit sa akin.
Hinampas ko ulit siya pero this time malakas na. "Alex naman eh!"
Tinawanan niya lang ako ulit.
Napapikit na lang ako. Sigurado akong hindi na ako titigilang inisin ni Alex tungkol dito.
Bakit kasi sinabi ko pa ng malakas eh.
Pwede namang kiligin ng tahimik.
I internally screamed.
Ano ba yan!
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends