"Tara na Annie," muntikan na akong mahulog sa upuan ko dahil sa gulat ng may biglang nagsalita.
Inis kong tiningnan ang pinagmulan ng boses at sinabing, "Papatayin mo ba ako sa gulat Alessandro?"
Natawa lang ito sakin at sumandal sa table ko. "Huwag ka ngang OA Nicolette."
"Edi wow," sagot ko naman bago nagsimulang magligpit ng gamit. "Buti may pa dinner sa inyo? Namiss nila yung isa't isa?"
Nagkibit balikat lang siya at nagsabing, "Ewan. May i-aannounce daw sila Dad and daddy mo."
Tumango na lang ako. Tungkol saan kaya yung i-aannounce nila Dad and Tito. Siguro may bagong business na naman silang itatayo. Matagal ng magkakilala ang parents namin ni Alex kaya naging business partners sila. Magkakaibigan na sila ever since college. Sila mama and Tita Shay,yung mama ni Alex, sila yung mag bestfriends tapos ganon din sila Dad and Tito Rob.
Nagkakilala silang apat nung niligawan ni Tito Rob si Tita Shay. 1st year college ata sila non I think. Gustong-gusto ni Tito noon si Tita pero si Tita may gustong iba, yung varsity sa school nila. Ayaw ni Mama yung crush ni Tita noon kaya nakipagtulungan siya kay Dad para magkatuluyan sila Tito and Tita. Naging successful naman sila and take note hindi lang isang couple ang nabuo nung year na yun kasi pati sila Mama and Dad naging couple din. Ang cliché no?
After nila sa college nagstart silang apat ng sarili nilang business. Even though may kani-kaniyang business ang mga family nila, pinili nilang magtayo ng sarili nilang business. Hindi naman sila binawalan ng parents nila, natuwa pa nga daw sila non kasi they are making a name for themselves. Sa mga apo na lang daw nila ipapamana yung mga business nila and it's a good thing na business minded ang mga apo nila. Ang cliché talaga ng story nila eh. Isipin mo from friends to business partners to partners in life?
"Ano ba yan? May itatagal pa ba yan? Napakabagal mo talaga kumilos." nabalik ako sa ulirat ng may biglang nagsalita.
"Eto na eto na. Ang dami mong reklamo," sabi ko na lang tapos nagmadali na ako at baka magwala na tong kasama ko.
"Napakabagal mo talagang babae ka," reklamo ng kasama ko pagkatapos kong mag ayos.
"Wag ka ng magreklamo at wala ka namang mapapala," sagot ko sa kanya. "Tara na nga at baka malate pa tayo sa dinner," dagdag ko pa at nagsimula ng maglakad.
"Wow, coming from you? Eh ikaw nga itong mabagal kumilos?"
Huminga ako ng malalim bago nagsalita,"Kung magrereklamo ka lang naman ng magrereklamo edi sana nauna ka na. Wala naman akong sinabi na isabay mo ako, ikaw itong nagpresinta."
"Malayo ang bahay ng parents ko. Wala kang sasakyan kaya sure ako na magcocommute ka papunta don kung hindi kita isasabay. Masyado ng late. Hindi naman ako papayag na mag babiyahe ka mag isa," seryoso nitong sabi.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya,"Awwww. Love mo talaga ako no?" pang-iinis ko sa kanya.
Tiningnan lang niya ako ng masama. "Tumigil ka na nga diyan. Tara na," sabi niya pagkatapos ay naglakad na siya ng mabilis papuntang parking lot.
Natawa naman ako sa inasta niya. Pikon kasi yung si Alex. Ang sarap bwisitin. Iniinis ko siya pero sa totoo lang natouch ako sa sinabi niya. Alam niya kasi na nag cocommute lang ako papunta sa work. Malapit lang naman kasi yung condo ko sa office kaya ayos lang. Mas mahal pa kasi kung mag kokotse pa ako. Sayang sa gas. Atsaka hindi ko talaga feel mag drive. Mas gusto kong passenger lang ako. Kaso nga malayo talaga yung bahay ng parents niya sa office kaya siguro naisip na niya akong isabay. Ang weird nga naman kung same lang kami ng paggagalingan tapos di pa kami sabay pumunta don. Atsaka okay na yan, di na ako mamamasahe. Nagmadali na akong maglakad, baka imbis na makalibre ako iwanan niya pa ako.
****
A/N: Thank you for reading! Please vote and comment 💕
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends