Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o nabibingi lang. Ano itong pinagsasabi-sabi ni Tita Shay?
"Ano po, Tita? Paki-ulit?" sabi ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig.
Sasagot na sana si Tita kaso biglang sumabat si Mom. "Actually, agree ako kay mare. Sayo na rin kasi nanggaling na wala ng ibang kilalang babae si Alex."
"Mom?!"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Pati ba naman si Mama agree dito? Tumingin ako sa gawi nila Dad para humingi ng tulong pero nakita ko na pati sila ni Tito ay cinoconsider yung suggestion ni Tita Shay.
"Dad! Huwag mong sabihin na pati ikaw agree dito?" I exclaimed.
"It's actually a good idea dear," sagot sa akin ni Dad.
"What!?" Napatayo na ako dahil sa inis. Ano ba tong iniisip nila?
Magsasalita pa sana ako kaso...
"Please, Anika." napatingin ako kay Alex.
Hindi ko mapigilang malungkot. Sobrang pagod na ng itsura niya. Bigla kong naalala yung pangako ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin na animoy nag mamakaawa. Nanlambot naman ang legs ko kaya napa upo ako.
"You're the only one I can trust with this," dagdag pa niya.
Napabuntong hininga ako. Ano ba naman yan! Argghhh... Anika. Bakit di mo siya matiis!
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Nakita kong lahat sila ay hinihintay ang magiging sagot ko.
Tinignan ko sa mata si Alex bago siya nginitian. "Pasalamat ka bestfriend kita."
Tila nakahinga naman na siya ng maluwag at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thank you," sabi niya habang yakap ako.
"Dapat ilibre mo ako ng brownies at doughnuts," sabi ko habang nakadukdok yung mukha ko sa dibdib niya.
Narinig ko naman siyan tumawa ng malakas bago ako halikan sa ulo. "I'll buy you as many as you want."
Nabigla na lang kami ng may biglang tumili.
"Ayiiiiieeee!!!! Mare, kinikilig ako! sabi ni Mama.
"Oo nga, Mare. Akala mo sila talaga!" pagsang-ayon naman ni Tita habang tumitili sila na parang teenagers.
Namula naman kami pareho ni Alex dahil sa hiya.
"Mom!" sabay pa naming pagsaway sa mga nanay namin na naging dahilan para tumili sila ng mas malakas.
"Kita mo, Mare? Sabay pa talaga sila!"
Mas lalo naman kaming namula dahil doon.
"Love tama na yan. Nahihiya na ang mga bata oh? sabi ni Tito.
"Oo nga naman 'My," dagdag pa ni Dad.
Napanguso naman ang mga nanay namin.
Pagkatapos non ay bumalik na kami sa room ni Gramps pero hindi na rin kami nagtagal doon.
Nagpaalam na kami ni Alex sa kanilang lahat at umalis na. Pagdating namin sa parking lot ay pinigilan ako ni Alex na sumakay ng kotse.
"Bakit?" taka ko namang tanong sa kanya.
"Let's go on a roadtrip," sabi niya.
Naexcite naman ako dahil sa sinabi niya kaya dali-dali akong sumakay sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" excited kong tanong.
"Tagaytay," sagot naman ni Alex.
Nagkuwentuhan lang kami habang nasa biyahe about random stuff. Sport, business, songs, at marami pang iba. Walang dull moment kapag kasama ko si Alex. I really enjoy his company, kahit na madalas ay masungit siya.
Five p.m. na noong nakarating kami sa Tagaytay. Medyo traffic din kasi. Dinala ako ni Alex sa isang restaurant sa may Taal Lake. Doon kami sa may likod kumain. Yung area kung saan kita yung scenery. Chill lang kami at nagkuwentuhan ulit hanggang sa makita ko na palubog na ang araw.
Ang ganda talaga ng sunset. Nakakarelax panoorin dahil mayroon itong calming effect para sa akin.
"It's beautiful," sabi ko habang hindi ko inaaalis ang tingin doon.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang na-appreciate ko yung mga ganitong scenery. It makes me feel warm and special. Masaya lang akong nanonood ng biglang...
"Tss. Ano namang maganda diyan? Araw-araw naman nangyayari yan?" narinig kong sabi ni Alex.
Napapikit na lang ako at huminga ng malalim.
Naku! Ito talagang lalaking to. Sinusubukan talaga ang pasensya ko.
"Alam mo Alessandro, panira ka talaga ng moment," may halong inis kong sambit sa kanya.
"Bakit na naman? Eh sa hindi ako nagagandahan sa mga ganyan. Anong magagawa ko?" sagot naman niya.
Inirapan ko na lang siya at itinuon ulit ang atensyon ko sa paglubog ng araw.
Bahala siya sa buhay niya. Panira.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa binasag niya sa ang katahimikan.
"I hate sunsets because they remind me of goodbyes," narinig ko namang sinabi niya.
Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin lamang ito sa palubog na araw. "It reminds me of the people that I lost."
Doon ko naalala na mahilig sa sunsets si Ate at ang yumao niyang Lola. Suddenly, naintindihan ko siya. Kaya pala...
"Alam mo hindi lang naman goodbyes ang sinisimbolo ng sunsets. It also symbolizes letting go, rest, and new beginnings," sabi ko sa kanya.
"Hindi naman lahat kailangan maging negative. Pero naiintindihan kita. Hindi ko ipipilit yung views ko sayo pero sana huwag mo ring ikulong ang sarili mo sa mga paniniwala mo," dagdag ko pa bago ako nagpause sandali. Iniisip kung pano i-express yung gusto kong sabihin.
"Siguro ngayon lungkot ang naaalala mo sa tuwing nakikita mo ang sunset pero malay mo, sa future, makita mo na hindi naman natatapos ang lahat sa "goodbye" kasi pwede ka naman ulit mag "hello."
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends