Chapter 14

387 39 3
                                    

Agad naming kinuwento kanila Tita yung nangyari pagbalik nila sa ospital. Hindi ko nga alam kung natatawa ba sila or naaawa sa anak nila.

Ito naman kasing si Alessandro nataranta agad. Pwede naman niyang iwasan yung tanong. Kaya lang siyempre masyado siyang concerned sa Lolo niya.

"Mabuti pa ay umuwi na muna kayo. Bukas na natin pag-isipan kung anong gagawin tungkol diyan. Wala naman na din tayong maiisip na maayos dahil pagod tayong lahat," sabi ni Tito Rob sa amin.

So yun ang napagkasunduan namin. Mag-mmeeting kami bukas pagdating sa ospital habang natutulog si Lolo. Oo, meeting ang term na ginamit dahil literal na meeting talaga ang mangyayari.

Ganyan kami simula dati. Kapag may problema ang isa, ay problema na ng lahat. Tulungan kumbaga. Iyon kasi yung tinuro sa amin ng parents namin.

Iyon din ang dahilan kung bakit naging successful ang mga business ng mga parents namin. Open kasi sila sa isa't isa kaya mas madaling masolve ang mga problema.

Pagdating namin sa condo ay agad akong naligo at natulog. Hindi ko na nga natuyo ang buhok ko. Bagsak na ako pagdapo pa lang ng ulo ko sa unan.

Mataas na ang araw noong nagising ako. Grabe, ganon ba ako kapagod para ganitong oras na ako nagising?

Tumayo na ako at nag-unat. Anong oras na ba? Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na. Hmm... hindi pa naman pala ganoon kalate, 10:00 am palang. Makakapagluto at makakakain pa ako bago pumunta sa ospital.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina. Doon ko nakita ang 2 box ng doughnut na nasa counter. Mayroon ding note na nakadikit dito.

Nicolette, thank you.

Napangiti naman ako dahil dito. Si Alex talaga...

Siya kasi yung tipo ng tao na hindi marunong mag express ng emotions through words. Mas pipiliin niyang magbigay ng regalo tapos maglalagay lang siya ng note.

Since mayroon naman na akong doughnuts ay hindi na ako nagluto. Yun na yung kinain ko, nagtimpla na lang ako ng kape bilang panulak. Magdadala na rin ako sa ospital para may mirienda kami mamaya.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na akong umalis at dahil hindi naman ako pupunta sa office ay naka maong pants and plain shirt lang ako. Tinernohan ko din iyon ng sneakers.

After that ay kinuha ko na yung mga gamit ko and went to the hospital.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Alex na kausap ang Lolo niya. "Hi Gramps! Hi Alex!" I greeted them before kissing their cheek.

"Hello, Anika," sagot naman ng Lolo ni Alex. "I'm happy to see you."

"Sabi ko naman sayo bibisitahin ka namin diba?" I said bago ako tumingin kay Alex.

"Kanina ka pa?"

"Yeah," he replied. "I want to spend some time with Lolo habang wala akong pasok."

"That's nice. So ano naman na ang napag-usapan niyo?" I asked, then nagsimula na silang magkuwento.

Yun lang ang ginawa namin habang hinihintay namin dumating ang mga parents namin. May aasikasuhin daw kasi sila sandali. Buti na lang at tulog na ang Lolo ni Alex pagdating nila.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng ospital. Dala-dala ko rin ang doughnuts na galing kay Alex.

"So Alex, may naisip ka na ba na possible solution to your dilemma?" pag-uumpisa ni Tito Rob.

"Wala pa po, Dad," sagot naman ni Alex.

"Sinabi mo sa Lolo mo na ipapakilala mo ang girlfriend mo sa kanya pag labas niya sa ospital?" tanong naman ni Dad.

"Not exactly, Tito. Ang sabi ko po ay kailangang magpagaling muna siya bago ko ipakilala sa kanya ang girlfriend ko."

"Estimated number of days na nandito ang Lolo mo ay one week," sabi naman ni Mom.

"So kailangan mong makahanap ng girlfriend within a week," sabi naman ni Tita Shay.

I looked at Alex and I can see that he is really stressed out with the situation. Hindi naman kasi siya makakahanap ng girlfriend in a week.

"Does it have to be real?" sabi ko naman kaya napatingin sila lahat sa akin. "I mean kailangan ba talaga na totoong girlfriend ni Alex ang ipakilala niya kay Gramps paglabas niya sa ospital?"

"What are you saying Anika?" sagot naman ni Alex. "Of course it has to be real! Naghahanap nga ako ng asawa diba?"

"Siyempre alam ko yon. Ako nga ang tumutulong sayo diba? Ang sa akin lang hindi pa naman asawa ang hinahanap natin kundi girlfriend na maipapakilala mo sa Lolo mo paglabas niya ng ospital. Hindi mo naman siya kailangang pakasalan, ang importante ay may maipakilala ka sa Lolo mo. Pwede mo naman sabihin na hindi kayo nag-workout tapos nag-break kayo."

Nakita ko na pinag-iisipan nila yung sinabi ko. "May point si Anika," narinig kong pagsang-ayon ni Tito Rob. "You're not in a hurry to find a wife naman. Mas mabuti kung magkakaroon ka muna ng girlfriend bago mo mahanap yung babaeng pakakasalan mo."

"Kaya lang, ang tanong. Sino ang magiging girlfriend mo?" tanong naman ni Tita Shay.

"I'm sure pinapasundan ka ng Lolo mo para mabantayan lahat ng galaw mo."

"What! He did that?" Alex exclaimed.

"Tss... as if you don't know your Lolo," sabi ko naman.

Totoo naman kasi. Hindi malabong ginawa ni Gramps ang bagay na yun.

"So kailangan isa sa mga nakadate mo ang ipapakilala mo. Kung pinasundan ka nga ni Gramps ay hindi siya maniniwala kung ibang babae ang ipapakilala mo."

"I agree. Your grandfather is smart. Hindi natin siya basta-basta mapapaniwala," sabi ni Dad.

Nakita ko namang ginulo ni Alex ang buhok niya. Naawa tuloy ako sa bestfriend ko. Wala pa naman siyang gusto sa mga naka date niya.

"Nope. Hindi ko kayang ipakilala bilang girlfriend ko ang isa man sa mga yun," he said.

"You don't have a choice Alex. Wala ka naman ng kilalang ibang babae," sabi ko naman.

"I don't trust those girls Annie. Hindi ako basta-basta mag-ggirlfriend ng babaeng hindi ko pinagkakatiwalaan. Kahit pa sabihin mo na hindi naman totoo."

Natahimik kaming lahat pagkatapos non. May point din naman kasi si Alex. Hindi nga naman pwede na basta-basta siya mag-ggirlfriend. Tahimik lang kaming nag-iisip hanggang sa biglang nagsalita si Tita Shay.

"Bakit hindi na lang si Anika?" Napatingin naman kami lahat sa kanya.

"What do you mean Tita?"

"I mean, palagi kang kasama ni Alex. Sigurado ako na naireport din yun sa Papa ko. Besides, Alex trusts you. You'll be the perfect fit."

"P-po???!!!!!!"




My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon