Chapter 37

240 29 1
                                    

They found the culprit.

Nagising kami ni Alex sa tawag ng officer na in charge sa kaso. Sabi niya ay nalaman na nila kung sino ang may sala at naaresto na raw ito.

Agad kaming nag-ayos ni Alex para makapunta na sa presinto.

Kasama ang mga bodyguards namin ay dali-dali kaming umalis at nagbiyahe.

I was shaking the whole time. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Napatingin ako kay Alex ng hawakan niya ang kamay ko. "Hey," he said with a calming voice. "Everything is going to be fine."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya I squeezed his hand with all my might. Hinayaan niya lang akong gawin yon. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon atsaka palagi ko itong ginagawa kapag na-iistress ako.

After that ay hinalikan niya ako sa ulo. "It's going to be fine."

Tumango na lang ako bilang sagot.

Sana talaga ay maging maayos ang lahat.

***

Pagdating namin sa presinto ay sinalubong kami ni Officer Suarez, ang in charge sa kaso namin at si Detective Garcia, ang private investigator na hinire ni Dad.

"Where is that criminal?" tanong ni Alex.

"That criminal is a 'she' and she is in one of the cells," sagot ni Detective Garcia.

"Can we see her?" tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila. "Follow me," sagot ni Officer Suarez.

"What's her name?" tanong ni Alex habang naglalakad kami.

May iniabot na file si Detective Garcia sa kanya. "This is her profile. Margaret Acosta ang pangalan niya. She is 25 years old. This is her fourth year as an employee in your company. Sa HR department siya."

May mga pinag-usapan pa sila pero hindi na ako nakikinig. Ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay makikita ko na yung taong may gawa ng lahat ng ito.

Noong malapit na kami ay napatigil ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ko.

Hinawakan muli ni Alex ang kamay ko bago niya ako binigyan ng matamis na ngiti para lumakas ang loob.

Sinuklian ko rin naman siya ng ngiti bago ako huminga ng malalim.

This is it. Makikita ko na ang may sala.

Dahan-dahan kong ini-angat ang tingin ko para makita kung sino ang taong nasa loob ng selda.

"Ikaw?" tanong ko dun sa babaeng kaharap ko.

Grabe. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na siya ang may gawa ng lahat ng ito.

Ngumisi naman ito bago sumagot. "Oo, ako nga."

Nagtataka akong tinignan ng mga kasama ko. "You know her, Annie?" tanong sa akin ni Alex.

Tumango naman ako bilang sagot. "Siya yung babaeng nagtanong sa akin kung totoong may asawa ka na," sagot ko. "Hindi mo na naaalala?"

Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Alex dahil sa sinabi ko. "Oo nga," sabi niya. " Bakit ngayon ko lang naalala yon."

"So nagka-usap na kayo, Mrs. Rodriguez?" tanong sa akin ni officer.

"Yes, officer," sagot ko naman. "Pero sandali lang po."

Tumango-tango naman si officer dahil sa sinagot ko.

"Bakit mo yun ginawa?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

" She asked you a question," may diing pagakakasabi ni Alex.

Hindi pa rin nagsalita ang babae kaya tumingin ako Kay Officer Suarez.

"Bakit hindi siya nagsasalita?" tanong ko.

"May mga cases talagang ganyan Ma'am," sagot niya sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot.

"What will happen to her?" tanong ko.

"She will rot in jail," sabi ni Alex habang seryosong nakatingin sa amin.

Narinig kong humikbi yung babae. Bigla naman akong naawa sa kanya.

"Kailangan ba talaga yun? Ang gusto ko lang naman ay tumigil na siya sa ginagawa niya. Kailangan pa ba niya talagang makulong?" sabi ko kay Alex

Narinig kong bumuntong hininga si Alex. "Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya Annie."

"I agree, Mrs. Rodriguez," sabi ni Officer Suarez. "Kung palalampasin natin ito ay baka ulitin niya pa."

"Pero-" I was about to protest when Alex stopped me.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko para humarap ako sa kanya. "Annie, alam kong likas sayo ang pagiging mabait at mapagpatawad pero mali ang ginawa niya. She needs to pay for that."

Alam kong buo na ang loob ni Alex at wala na akong magagawa para mabago pa yun.

"Okay," sabi ko na lang. Wala naman akong choice. "Pero pwede bang sandali lang siya dito?"

Natawa ng bahagya si Alex bago siya nagsalita. "You're too kind for your own good," sabi niya bago niya ako hinalikan sa noo.

***

Pagkatapos namin sa presinto ay sinabihan namin agad ang parents namin.

They are so relieved after hearing the news.

Pagdating namin sa bahay ay nagbihis na kami ni Alex.

"Nagpadeliver na lang ako," sabi ni Alex paglabas ko ng banyo.

Ngumiti ako. "That's fine with me," sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Inalo naman ako ni Alex na parang bata.

"I'm so happy," sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"I know, Love. I am too," sagot naman niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Sa wakas, tapos na.

Nahuli na siya.

Thank you Lord..

Thank you.

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon