Chapter 18

329 37 2
                                    

Gramps survived.

A miracle happened and he survived.

Hindi ko makakalimutan yung mga nangyari noon. Kung paano siya pilit na sinasagip ng mga doktor. Kung paano siya muntikang mag- flatline. Especially how Gramps managed to pull through.

A lot of tears were shed that day, but they were not tears of sadness but rather of joy.

It has been a month since then. Gramps is slowly recovering and we are all so happy! Lalong lalo na si Alex because his grandfather was given a second chance to live.

***

Gusto kong sabihin na bumalik na sa dati ang lahat pero magsisinungaling lang ako. Hindi kasi kami masyadong nagpapansinan ni Alex, or rather, hindi ako masyadong pinapansin ni Alex.

We still talk with each other naman kaya lang puro about sa work.

Feeling ko tuloy about yun sa kasal namin. Naiilang siguro siya or what. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung mali ba yung ginawa namin.

Masyado ba kaming nagpadala sa emosyon namin? Dapat ba hindi ko na yun ginawa? Naging rash ba ako sa desisyon ko?

I mean, alam ko naman na walang mali sa intensyon ko. Kaya lang dapat ba nagpakasal kami agad?

Nakokonsensya tuloy ako. Dahil sa akin, nawalan siya ng chance na makahanap talaga ng asawa. Asawa na gusto talaga niya. Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa nakin.

Napabuntong hinga na lang ako. Wala naman na kaming magagawa. Nangyari na eh.

I was about to leave dahil tapos na ang trabaho ko ng makareceive ako ng text mula kay Mom.

Pinapauwi niya ako sa bahay dahil may dinner daw sa bahay. She also told me na kailangan ko daw pumunta dahil may mga bisitang dadating.

Akala ko pa naman ay makakapagpahinga na ako. Sobrang pagod kasi ako noong nakalipas na buwan. First, tinapos namin lahat ng natambak na trabaho noong naconfine si Gramps. Tapos nagttrain na ako para mapaghandaan ang pagtatake over sa company ng grandparents ko. Lastly, there's also the assistant secretary na sinasanay ko naman. His name is Andrew by the way, and he is really kind and smart. Kampante ako na iwan ang trabaho ko sa kanya.

***

Napaaga ata ang dating ko sa bahay dahil wala pa daw ang mga bisita sabi ni Mom.

"Is it okay mom if I rest for a little bit?" I asked nang malaman namin na natraffic pala ang mga bisita.

"Sure, baby!" nakangiting sagot ni Mom. "We know naman na marami kang ginagawa ngayon," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

I hugged her tightly before answering. "Thank you, Mom. I'll sleep here ok? Wala naman akong pasok bukas."

Nagliwanag naman ang mukha ni Mom. "I would love that. Anong gusto mong food para mapahanda ko?"

Umiling na lamang ako. "There's no need for that. Namiss ko lang talaga kayo," sabi ko sa kanya bago ako ngumiti.

Magpapaalam na sana ako na pupunta na ako sa kwarto ng bigla pang magsalita si Mom

"What's wrong baby?" tanong niya sa akin.

I just looked at her with a confused expression. "Nothing is wrong, Mom."

She just gave me "the look." The one that only mothers can do. "Ako pa talaga, Anika?" she said.

Paano kaya nagagawa ng mga nanay yun? May super powers ba sila? Like mind reading ganon?

Alam kong hindi naman ako titigilan ni Mom kaya sinagot ko na lang siya. "Alex."

Kahit yun lang ang sinabi ko ay alam na ni Mom kung anong gusto kong sabihin. Naikwento ko naman na sa kanya na hindi kami masyadong nag-uusap ni Alex.

"He will come around anak," she said with a warm smile.

Pinilit kong ngumiti. Ayaw ko ng mag-alala si Mom. "Thanks, Mom."

"Rest now, baby. Tatawagin na lang kita kapag nandiyan na sila."

After that, pumunta na ako sa kwarto ko. Matutulog muna ako sandali. I'm just so tired.

I was jolted awake when I heard the door slam shut. Agad akong napa upo para malaman kung anong nangyari.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng may nakita akong malaking figure sa may pintuan. Nakapatay kasi yung ilaw ko kaya yung liwanag lang ng buwan yung tanging nagagamit ko.

Anong nangyari? May nakapasok ba sa bahay? Ok lang ba sila mama?

"S-sino ka?!" tanong ko bago ako tumakbo sa pinakadulong part ng kwarto kung nasaan yung book shelf ko.

Kinuha ko yung pinaka makapal na hardbound book ko. "Wag kang lalapit!" sigaw ko nang nakita ko siyang humakbang papalapit.

Naiiyak na ako. What if criminal pala yung mga bisita nila Mom? What if hired killers sila?

"Huwag kang lumapit kung ayaw mong ibato ko sayo to!"

Tumawa lamang yung killer. "Anong magagawa ng libro mo?" Pagkatapos non ay tumawa siya ulit.

Hindi ko na napigilang umiyak. Psycho killer pa ata siya. Lord, gusto ko pa po mabuhay.

Sisigaw na sana ako ng biglang bumukas yung ilaw kaya nakita ko kung sino yung killer.Tumatawa pa rin siya habang nakahawak sa wall for support.

Biglang nag-init ang ulo ko. Itong lokong to. Ang lakas ng loob nitong pagtawanan ako.

Hindi ko na napigilan at binato ko nga sa kanya yung libro. Bullseye!

"Aray naman , Annie!"

"Anong aray ka diyan! Sa tingin mo nakakatuwa yung ginawa mo?" sigaw ko habang tumutulo yung luha ko dahil sa takot at inis.

Nakita ko naman na naguilty siya pagkatapos non. "Sorry."

"I hate you, Alessandro! I hate you!"

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon