It has been two months since nagpunta kami sa bahay ng Lolo ni Alex para ipakilala ako bilang "girlfriend" niya.
All is well naman. We are finally back to normal. Tumigil na si Alex sa pakikipagdate kasi nga he is already in a "relationship."
I think that will give him some time to breathe. Hindi na muna niya aalalahanin ang paghahanap ng asawa.
Napagkasunduan na rin namin ang aming "break-up." We will be in a relationship for six months, para naman kapanipaniwala kami. Then, we will tell his Lolo na things just didn't work out and that we are better off as friends.
If you're wondering naman about our relationship as friends, we are totally fine din. We don't feel any awkwardness at all. Parang wala lang. We treat each other the same way we always do.
Speaking of Alex, nakita ko siyang lumabas ng office niya.
"Hindi ka pa kakain?" tanong niya.
I checked my watch and saw na it is already 12 p.m. "Lunch na pala," bulong ko sa sarili ko.
"Where do you want to eat? My treat," sabi naman ni Alex.
"Talaga?" I asked and he just nodded. "I'm actually craving for pasta and pizza."
Dahil doon ay sa yellow cub niya ako dinala.
"I heard from Tito that you're gonna start your training soon," sabi ni Alex habang kumakain.
Oo nga pala. Next month ay magsstart na ako ng training para sa paghahandle ng company ng grandparents ko.
"Oo nga eh. I may not be present everyday sa work," sagot ko naman sa kanya.
"I should start looking for a new secretary then." sabi niya na sinang-ayunan ko naman.
"I agree. Pero I suggest you hire him or her as an assistant secretary muna. Para ma-train ko muna siya bago ako tuluyang mag resign "
***
Pabalik na sana kami sa office when Alex got a call from Tita.
"Hello, Mom?" he answered.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya bago siya tumakbo palabas papunta sa parking lot.
"Wait for us," yun na lang ang narinig ko pagpasok ko sa kotse.
"Alex, what is happening?" Nagpapanic na kasi ako. Ngayon lang kasi nagpatakbo si Alex ng ganito kabilis.
"Lolo had a relapse."
We practically ran to the hospital's emergency room where we found Tito and Tita.
Alex immediately hugged his mom. "How is he?"
Patuloy lamang sa paghagulgol si Tita kaya and daddy na ni Alex ang sumagot. "It's not looking good."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I closed my eyes and prayed for Gramps' safety. Si Lord na ang bahala sa kanya.
We waited for ten agonizing minutes bago lumabas ang doktor. Agad naman kaming nagtipon sa harap nito.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "We did everything that we can. Nasa pasyente na lang kung lalaban pa siya o hindi. Dadalhin na namin siya sa private room."
Walang nagsasalita sa amin. Only the cries of Tita Shay were heard.
After that, everything was a blur. Sobrang gulo ng nararamdam ko. I don't want to lose Gramps. Kahit na hindi ko siya kadugo ay lolo pa rin ang turing ko sa kanya.
As of the moment, we are gathered in his room, praying. Even my parents are here. We are all praying for a miracle.
We stayed there until visiting hours are over pero hindi pa rin nagbabago ang condition ni Gramps. Ayaw pa sana naming umalis kaya lang pinauwi na kami nila Tita.
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends