I woke up to the feeling na parang may nakadagan sa tiyan ko. I opened my eyes to see na may kasama pala ako sa kama.
Bakit nandito si Alessandro? Mahimbing siyang natutulog habang yakap-yakap niya yung unan sa pagitan namin.
Doon ko naalala yung mga nangyari kagabi. Yung pagtakas namin, at yung movie. Siguro ay nakatulog ako habang nanonood kami.
But that doesn't explain why Alex is in the bed with me. It also doesn't explain why he has his leg on top of me.
Alam kong malikot matulog si Alessandro pero kung paano niya nagawang idagan yung binti niya sa tiyan ko... Hindi ko alam.
Isang pang pinagtataka ko ay kung bakit hindi ako nagising. Normally kasi kapag may humahawak sa akin habang tulog ay nagigising ako. Kaya nagtataka ako na mahimbing ang tulog ko kahit na katabi ko pala si Alessandro.
"Alessandro, gumising ka na," sabi ko sa kanya habang tinatapik yung binting nakadagan sa akin.
"Hmmm? Five minutes pa," narinig kong sabi niya bago siya bumalik sa pagtulog.
Ginising ko siya ulit dahil kailangan ko ng pumunta sa banyo. "Alessandro, naiihi na ako!" pasigaw ko ng sabi pero wala pa ring epekto. Tulog pa rin siya.
Noong hindi na ako nakatiis ay tinulak ko na lang siya para maalis na yung binti niya.
Napabalikwas naman siya dahil doon. "Anong nangyayari? Nasaan ako?" natataranta niyang sambit.
Binato ko siya ng unan para magising siya. Pagkatapos non ay pumunta na ako sa cr para umihi.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Alessandro na natutulog ulit. Iba rin talaga itong bestfriend ko. Kayang tulugan ang kahit ano. Tinulak at binato ko na nga siya pero nagawa pa rin niyang matulog ulit.
"Grabe talaga," bulong ko sa sarili ko habang umiiling.
Tinignan ko yung phone ko para makita yung oras.
Maaga pa pala. 7:30 am pa lang. Aabot pa ako sa almusal. I tried to open the door at laking tuwa ko ng mabuksan ko na yung pinto. Mabuti naman at binuksan na nila Mom.
Pagkababa ko sa dining, nandoon na ang parents ko. They each gave me a cheeky smile. Alam kasi nila na may atraso sila sa akin.
"Ano na namang pakulo yung kagabi?" I asked them pagka-upo ko.
"Your Mom and Tita thought that it was the only way to get the two of you to talk to each other," sabi ni Dad. "Hindi naman kami nag-agree ng Tito mo kaya lang alam mo nama- Aray naman!" hindi na natapos ni Dad yung sasabihin niya kasi hinampas ni Mom yung braso niya.
"Grabe ka naman sa amin! Gusto lang naman namin na magka-usap na sila. I don't like seeing my baby sad." sabi ni Mom.
Natouch naman ako dahil doon. Alam ko naman na maganda ang intensyon nila ni Tita.
"Don't worry, Mom. Your work paid-off naman. Okay na kami," I said with a smile.
Natuwa naman si Mama dahil sa sinabi ko. "Really, baby?" masigla niyang tanong bago niya kinuha yung phone niya. "I'm going to tell Mare!"
Sabay nalang kaming napailing ni Dad.
Mom and her weird side...
***
Since hindi pa rin nagigising si Alessandro, I decided na ipagdala na lang siya ng pagkain.
"Alessandro, may dala akong pagkain!" sigaw ko pagpasok ko ng kwarto.
Nagising naman si Alessandro dahil doon. Umupo siya at nag- unat. "Anong dala mo, Annie?" tanong niya habang kinukusot pa ang kanyang mga mata.
Grabe, pagkain lang pala ang makakapagpagising dito. Kung alam ko lang edi sana kanina ko pa siya dinalan.
"Maghilamos ka muna," sabi ko at agad naman siyang sumunod.
Pagkabalik niya ay agad na siyang kumain. "Wow, Alessandro! Parang ilang araw hindi kumain ah?" pambubuwiset ko sa kanya kaya inirapan niya ako. Hindi siya makapagsalita kasi puno ang bibig niya.
Paano ba naman kasi. Isang bucket ng chicken yung nakain namin kagabi. Samahan mo ba ng mashed potatoes at brownies.
"Maaga, Anika ah," sabi niya pagkalunok niya ng pagkain.
Tinawanan ko lang siya. Sarap kasi niyang pikunin.
***
Pagkatapos niyang kumain ay naghanda na siya para umalis.
"Uwi ka na?" tanong ko.
Iling lamang ang sinagot nito sa akin.
"Saan ka pupunta?"
"I'm looking for a house," sabi niya.
"Oh? Para kanino?" tanong ko naman.
Tinignan niya lang ako na parang nababaliw ako. "Sa palagay mo?"
Doon lang nagsink-in yung sinasabi niya sa akin. My goodness...
"Sa atin?!" I exclaimed.
Natawa naman siya dahil doon. "Kanino pa ba?" he answered.
Hinayaan ko munang ma-absorb ng utak ko yung info na narinig ko.
Naghahanap si Alex ng magiging bahay namin
Magsasama kami ni Alex sa isang bahay.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko. Shocks! Anong nangyayari?!
"Annie, ayos ka lang?" concerned na tanong ni Alex. "Bakit namumula mukha mo?"
"O-Okay lang ako," sabi ko na lang bago ko inumin yung tubig na dinala ko para kay Alex kanina.
Tumango naman ang kasama ko. "If you say so," sabi naman niya. "Bye, Annie!"
"Sandali!"
Napalingon si Alex dahil sa pagtawag ko. "Sama ako," nahihiya kong sabi habang nakayuko.
Ano ba yan? Anong nangyayari? Bakit ako nahihiya kay Alessandro?
Narinig ko siyang tumawa bago niya ginulo yung buhok ko. "Sure! Mas maganda yan para makuha ko yung opinion mo. Magiging bahay mo rin naman yun."
Naramdaman kong uminit na naman ang pisngi ko kaya tumakbo na ako papuntang banyo. "Mag-aayos lang ako!"
Pagkasara ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko.
Ano bang nangyayari?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Nasobrahan ba ako ng kape?
Ginulo ko ang buhok ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari.
Ano ba to???!!
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Genç KurguAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends