Chapter 26

271 34 1
                                    

Today is our last day here in Palawan. Uuwi na kami bukas.

Sobrang nag- enjoy ako. Ginawa namin ni Alex lahat ng activities dito pero surfing ang favorite ko. Mas magaling kasi akong mag-surf kaysa kay Alex. Haha.

Ayaw ko pa nga sana umuwi kaya lang, siyempre, may responsibilities kami na dapat naming i- fulfill.

"Annie, tara na." pag-aya sa akin ni Alex kaya sumunod naman ako sa kanya.

Mag- iisland hopping kasi kami ngayon. Konti  lang naman yung pupuntahan namin. Dalawa or tatlong island lang siguro.

Pagkasakay namin sa bangka ay isinuot ni Alex yung life jacket sa akin.

"Ako na," sabi ko sa kanya pero hindi niya lang ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa maisuot na niya ito sa akin.

Pagkatapos naman niyang suotin yung sa kanya ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito.

Hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko lang siyang gawin kung anong gusto niya. Hindi naman siya papapigil.

Actually, pinagtatakahan ko yon. Naging clingy kasi siya this past few days. Pero hindi naman siya yung obvious na pagka-clingy. It's more like, randomly holding my hand and putting his arm around my waist, mga ganon. Hindi naman siya ganito dati eh. Kahit nga kay ate, hindi siya ganon.

Siguro ay dahil kami lang dalawa ang magkasama dito. Umiiral na naman ang pagka- overprotective niya.

Oo, baka ganon nga.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya dahil medyo inaantok ako.

"Sleepy?" narinig kong tanong niya.

Sakto namang humikab ako kaya hindi ko na kailangang sumagot.

Umayos siya para masuportahan niya ang ulo ko.

"Sleep. I'll wake you up when we get there," utos niya na agad ko namang sinunod.

***

"Annie, wake up," narinig kong sabi ni Alex.

Minulat ko ang mata ko at nagtingin-tingin. Kami na lang pala ang nasa bangka. Nakakahiya naman.

Hinanap ko ang mga kasama namin at hindi ko mapigilang mamangha sa nakita ko.

" Woah! Ang ganda!" I exclaimed.

Ngumiti lamang si Alex at inalalayan akong bumaba ng bangka.

Nang makababa na kami ay inaya ko siyang pumunta dun sa may mga rock formations.

I took photos of the place dahil sobrang ganda talaga.

I love taking pictures because they help me capture the unforgettable moments of my life. Pwede ko silang balik-balikan.

Kaya nga ang dami kong kinuhang pictures dito sa Palawan. Para ano man ang mangyari sa amin ni Alex in the future, at least I will have these photos.

After kong picturan yung scenery ay nag papicture naman ako kay Alex. Then, I asked him if we can take pictures together. Mabuti na lang at game siya.

Tinayo ko ang camera ko gamit ang tripod at naglagay ng timer. Ang dami naming poses na ginawa. Yung una naka tayo lang kami beside each other habang naka smile. Then, nag- wacky kami. Tapos nagpabuhat ako sa likod niya habang naka peace sign. Mayroon ding picture na magkayakap kami.

Akala ko tapos na pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa noo.

Ilang seconds din akong nakatulala dahil sa gulat habang si Alex, naglakad lang paalis na parang walang nangyari.

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapanood ko siyang maglakad papunta sa shore.

"Huwag kang ganyan, Alessandro. Baka ma-misinterpret ko na naman, at umasa ako," bulong ko sa hangin.

"Ayaw ko ng masaktan ulit."

***

Hindi naman na naulit yung incident kanina.

The day went on nicely. Sobrang ganda din nung dalawa pang island na pinuntahan namin.

Hapon na noong nakabalik kami. Sa sobrang pagod namin ni Alex ay nagpa-room service lang kami.

Naka higa na ako habang si Alex naman ay naka-upo pa rin at nakasandal sa headboard ng kama.

"I realized that I haven't really thanked you, Annie."

Kumunot naman ang noo ko. "Thank me for what?" sabi ko bago ako umupo.

Hindi muna siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Alex," sabi ko.

Hinawakan niya yung pisngi ko at pinagdikit ang mga noo namin. "For everything."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko or gagawin ko.

Basta hinayaan ko lang na mag-stay kami sa ganong posisyon.

I didn't know how long we stayed like that and I didn't care either.

All I did was savor that moment.

Because I don't know if it will ever happen again.

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon