Chapter 23

287 37 1
                                    

Ngayon ang araw ng pag-alis namin papunta sa Palawan. Isang linggo kami doon. Tinapos na namin ni Alex lahat ng kailangan gawin para wala talaga kaming iisipin na trabaho kapag nandoon na kami.

"Excited na ako," sabi ko kay Alex pagsakay namin sa eroplano.

"Ako din. Ang tagal na nung huli akong nagbakasyon." sagot sa akin ni Alex.

Natulog lang kami buong biyahe. Kanina pa kasi kaming 3 am gising. Maaga kasi yung flight na kinuha namin para iwas traffic na rin kapag papunta sa airport.

Paglapag ng eroplano namin sa airport ay may naka-abang na service galing sa resort na tutuluyan namin. Ang sosyal naman, may pa service.

Malapit lang ang resort sa airport. Siguro 30 minutes lang na biyahe. Ang alam ko ay pagmamay-ari ito ng isa sa mga business partners ni Gramps kaya, you know, may special treatment kami.

Agad kaming nagcheck-in sa hotel kung saan kami mag-sstay. Oo, may hotel sa loob ng  resort. Sosyal sila eh.

Take note, suite ang pinareserve ni Gramps para sa amin. Iba talaga kapag nag-iisang apo...spoiled.

"Woah!" sabi ko pagkapasok namin sa suite. Ang lawak kasi niya, lalo na yung living room at kitchen. Pati yung kwarto malaki rin. Kasing laki na to ng unit ko dati ah. Tapos mayroon pang jacuzzi bathtub. "Grabe, Alessandro, nag all-out talaga si Gramps!"

Natawa lang siya sa akin. "Masaya lang siguro siya dahil napag bigyan yung gusto niya."

Hinawi ko yung kurtina para makita yung view sa labas. "Waah! Alessandro, tignan mo kita yung dagat mula dito!" excited kong sambit. Kinuha ko yung phone ko para mapicturan ko yung view.

Lumapit din si Alex para makita yon. Saktong paglapit niya ay biglang kumulo ang tiyan ko.

Nagkatinginan kami ni Alex bago kami nagtawanan.

I checked the time and saw that it is already 7:30 am.

"Tara, kain na muna tayo," sabi niya sa akin na tinanguan ko naman.

Nag- order ako ng pancakes and bacon while si Alex, rice meal ang in order. We also got coffee because coffee is life.

"Anong gusto mong gawin today?" tanong ni Alex.

Napaisip naman ako. Ang dami kong gustong gawin kaya lang pagod ako.

"Um, can we rest for a bit? I mean pwede naman tayong gumawa ng activities later pero I want to rest before that sana," I replied honestly.

I saw Alex nod his head in agreement. "Actually, I was hoping you will say that. Medyo pagod din ako eh."

"So we will rest muna then we will decide which activity to do first?"

Alex nodded his head again. "Yup."

***

Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa suite namin. "Is it okay for me to sleep on the bed or do you want me to sleep on the couch?"

Doon ko lang narealize na may dilemma kami. Actually, mas gusto kong natutulog mag-isa. kaya lang isa lang ang higaan. Ang pangit naman kung sa couch ko papatulugin  si Alex samantalang ang lolo niya ang nagbayad para sa trip namin.

Besides, he is my husband now. I need to get use to this. Ganito rin naman ang magiging set up sa condo pag-uwi so better get used to it now.

Umiling ako bago ngumiti, "No, it's fine. You can sleep on the bed pero pwede tayo maglagay ng unan like last time?"

"Sure," he replied bago siya humiga sa kama. Then naglagay siya ng unan sa tabi niya.

After that ay humiga na din ako.

Not long after, nakatulog na kami.

***

Lunchtime na ng magising ako. I looked beside me and saw that Alex is still sleeping.

He must be very tired. I decided to let him sleep a little bit more. Magpapa room service na lang din ako para hindi na ako bababa.

I'll wait for Alex to wake up para sabay na kaming bababa.

So Alex woke up around one in the afternoon. Kumain na kami tapos nagpahinga sa room. We also decided na mag-sswiming na muna kami mamaya. Kaya lang mamaya na siguro kapag hindi na masyadong mainit.

Habang naghihintay ay nagkuwentuhan na muna kami about random stuff.

Tapos noong time na ay nagbihis na kami agad.

Paglabas ko sa walk in closet, nakita kong ready na si Alex. Naka sando and beach shorts siya.

"Tara na?" tanong ko kay Alex.

"What are you wearing?" he asked me pagkakita niya sa akin.

"Swimwear?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.

"Ayaw ko. Magpalit ka," sabi niya na may halong inis.

"Huh? Bakit naman? Puro ganito dala ko eh?"

"Bakit ganyan lahat ng dala mo? Ayaw ko. Magpalit ka!" sabi niya na parang bata.

Napano na naman to? Nakasumpong na naman siya.

Bahala siya sa buhay niya.

Basta hindi ako magpapalit ng damit.

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon