Sobrang daming nangyari sa mga nakalipas na araw.
Tumigil muna kami sa pagpunta sa office. Our parents convinced us to take a break from work. Para makahinga daw muna kami pagkatapos ng lahat ng nangyayari at para mas mabantayan kami ng maayos.
They also moved us to another place. One that has been secured by the police. Pero temporary lang naman kami doon. Hanggang sa mahuli lang ang may sala.
Gusto nga sana ng parents ko na sa kanila na lang muna kami mag-stay pero we declined. It is better kung malayo muna sila sa amin para hindi na sila madamay.
Mayroon na rin kaming bodyguards, courtesy of my in-laws. Palagi silang nakasunod sa amin kahit saan kami magpunta.
***
Tatlong araw ng ganito ang set-up namin. It's a little bothersome but I know that it's for our own good.
Now, if you're wondering about Anika...
Well, she's not happy. She is not a fan of being locked up kasi. Actually, she is bordering on being angry na. She is so done with what's happening.
Sabi nga niya mas gusto pa niyang makaharap na lang yung taong may gawa nito kaysa makulong sa bahay.
Though her statement may seem exaggerated, it is still partly true. Anika is willing to do anything at this point para matapos na lahat ng ito.
Kahit ano daw. Kahit pa gawin na raw siyang pain ng mga pulis para lang lumabas na ang may sala.
And that leads us to the agenda for today.
We are now formulating a plan kung paano namin mahuhuli ang culprit.
Base kasi sa mga nakalap na impormasyon ng mga pulis, nagtatrabaho sa kumpanya ang may gawa nito at gusto nga nilang gawing pain si Anika para mahuli ito.
"I don't think that's a good idea," sabi ko sa kanila
Tumingin naman sila sa akin.
"Why not?" nagtatakang tanong ni Anika sa akin. "I think it's great. Ako naman talaga ang target nila. For sure, kakagatin nila yun."
Napabuntong hininga ako. I knew this would happen. Alam kong seryoso siya noong sinabi niyang willing siyang gawin yon.
"It's dangerous," sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.
"Wala na bang ibang pwedeng gawin?" pahabol ko namang tanong sa pulis.
"Mayroon naman po, Mr. Rodriguez pero we really think na ito ang may pinaka malaking chance na mag-succeed," sagot sa akin ng officer.
Magsasalita sana ako kaya lang inunahan ako ni Anika. "Officer, can you give us a second please?" sabi ni Anika sa pulis.
Tumango naman ito at lumabas muna.
"Alex," tawag sa akin ni Anika.
"Oh?" sagot ko naman.
"Tell me. Bakit ayaw mong pumayag? Alam mong maganda yung plano," tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot.
Naiinis ako. Sa sarili ko, sa nangyayari, sa lahat! Gusto kong tumulong pero nakakulong lang ako dito. Ang tagal naming hinahanap yung may sala, yun pala isa siya sa mga empleyado ko.
This is all my fault. Napapahamak ang asawa ko dahil sa akin at wala man lang akong magawa para makatulong. Tapos ngayon gagawin siyang pain ng mga pulis? Paano na lang kung mapahamak siya?
I was pulled out of my thoughts ng hinawakan ni Anika yung kamay ko para mapatingin ako sa kanya.
"If you're blaming yourself about what's happening, tigilan mo. Alam mo namang hindi mo kasalanan ang nangyayari. Biktima ka rin dito," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Grabe, kilalang-kilala na talaga ako ng babaeng ito.
"Kung iniisip mo naman na mapapahamak ako sa gagawin natin, hindi mangyayari yon," dagdag pa niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko na natiis at niyakap siya ng mahigpit. "I don't want to lose you too," sabi ko.
Minsan ng nawala sa akin ang taong mahal ko. Hindi ako papayag na maulit pa yon.
Niyakap niya ako pabalik,"I know," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Wala namang mangyayari sa akin doon. I'm tough you know. Isa pa, may mga pulis naman na naka stand by."
"No, I don't want you to do it. Hindi nila ako pasasamahin sayo. You'll be alone," sabi ko na parang bata.
Totoo naman kasi. If ever na ituloy nila ang plano ay siguradong hindi nila ako palalapitin kay Anika. Ayaw kong mangyari yun. Nangako akong iingatan ko siya. What if may mangyari sa kanya habang wala ako.
Huminga siya ng malalim bago siya nagsalita. "Ganito na lang," sabi niya at kumalas sa yakap namin. "We'll try the other options first pero kung hindi sila gumana, we will do the original plan ok?"
Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi niya.
"Compromise, Alex," sabi niya sa akin.
I sighed. Wala na akong choice. "Fine," sagot ko sa kanya.
Nagliwanag naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Talaga?"
"Wala naman akong choice," sagot ko sa kanya. "I'll just make sure na gagana yung ibang plano para hindi mo na gawin yun."
Sinapok naman ako ni Anika.
"Aray naman!"
"That's for being so stubborn," sabi naman niya. "Nakakahiya kay officer."
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
Paano kaya niya nagagawa yun? She always manages to lift up the mood.
Kanina lang napaka seryoso namin tapos ngayon ok na.
"Tawagin na natin si officer ha? Baka naiinip na siya eh," sabi niya.
"Ako na," sabi ko sakanya bago ako tumayo. "Thank you, Annie," pahabol ko bago ko siya hinalikan sa noo.
Ngumiti naman ito. "Thank you din, Alessandro."
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends