Chapter 33

243 29 1
                                    

"What?!" inilayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Mom.

"I said, someone sent me a note telling me to stay away from Alex," pag-uulit ko sa kanya. "The note also says that-"

"I heard you the first time," pagputol sa akin ni Mom.

"I know," sagot ko naman sa kanya.

"When did this happen?" tanong niya sa akin.

"Um... yesterday?" medyo alangan kong sagot sa kanya.

Biglang natahimik sa kabilang linya. Agad ko ng inilayo yung phone sa tainga ko dahil alam ko na ang mangyayari.

"ANIKA NICOLETTE G. RODRIGUEZ! COME HERE THIS INSTANT!" sigaw ni Mom bago niya tinapos ang call.

Napailing na lang ako dahil sa kanya.

Narinig ko namang nagpipigil ng tawa si Alex sa tabi ko.

Inirapan ko siya. "Sa tingin mo nakakatawa? Lagot tayong dalawa niyan."

Doon na talaga natawa si Alex.

"Bakit? Ano bang sabi ni Mom?"

Oo, nakiki "Mom" na rin si Alex sa nanay ko. Pati nga sa tatay ko nakiki "Dad" na rin siya eh.

Pinag-taasan ko lang siya ng kilay. "Sa tingin mo maniniwala akong hindi mo narinig yon?"

Tinaas niya yung mga kamay niya. As if to say that he surrenders already. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

"Tss.." I said before rolling my eyes. "Tara na nga."

***

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ni Mom.

"Anika Nicolette, bakit hindi mo kami agad sinabihan?" tanong ni Mom sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Nakonsensya naman ako. Alam ko namang dapat sinabihan ko sila agad. Nawala lang talaga siya sa isip ko.

"I'm sorry, Mom," sagot ko sa kanya habang nakayuko. Nakokonsensya talaga ako.

"We're so sorry, Mom," narinig kong sabi ni Alex. "Dapat po sinabihan namin kayo kaagad. Nawala lang po talaga sa isip namin. We didn't mean it to happen po."

Lumapit naman si Mom papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I understand. Don't be sad na, baby. Nag-alala lang din si Mommy."

Niyakap ko din siya ng mahigpit. "I was so scared," sumbong ko sa kanya na parang bata.

"Hush now, " sabi niya sa akin. "Nandito na si Mommy."

Naramdaman ko namang hinaplos ni Dad ang buhok ko.

"Have you reported this to the police?" tanong ni Dad kay Alex.

"Yes, Dad." sagot naman ni Alex.

Tumango naman si Dad. "Good," sabi niya. "Let's continue this conversation in the living room."

Ikinuwento ko naman ang buong pangyayari sa parents ko pagdating namin sa living room.

Kita ko sa mukha nila ang galit at pag-aalala.

"I'll hire a private investigator," sabi ni Dad. "Gusto kong mamonitor ito ng mabuti."

Gusto ko sanang tumanggi kaya lang naisip ko na baka kailangan yun ni Dad para mapanatag siya kaya pumayag na ako.

"Ok, Dad. If that's what you want," sabi ko sa kanya.

"Gusto mo din bang mag-assign ako ng bodyguard para sayo?"

Umiling naman ako. "I think I'll pass on that one," sagot ko sa kanya. "Kasama ko naman po si Alex most of the time."

"Don't worry, Dad. I'll make sure na hindi maiiwang mag-isa si Annie," sabi naman ni Alex.

Mukha namang na-satisfy na si Dad dahil doon.

"Pwede rin naman na dito ka muna mag-stay habang nasa work si Alex," sabi naman ni Mom.

"Mom, alam mo ang sagot ko diyan," sabi ko. "I won't let this situation affect my life. Hindi niyo ako pinalaking duwag."

Magsasalita pa sana si Mom pero pinigilan siya ni Dad.

"Let's respect her decision, love."

Napanguso naman si Mom. "Ok, fine," she conceded. "Basta sasabihan mo kami agad if ever na nasundan pa ito ok? Always keep us updated."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Yes, Mama."

Lumapit siya para mayakap niya ako. "I love you, baby."

"I love you too, Mom."

***

So, dito na kami sa bahay ng parents ko nag lunch.

Nagkukuwentuhan din kami tungkol sa maraming bagay.

Namiss ko ito. I love spending time with my parents. Matagal na rin nung huli naming ginawa ito.

Masyado ata kaming nag-enjoy dahil hindi namin napansin na pagabi na.

Ang outcome, dito na rin kami nag-dinner. Pero hindi na kami nagtagal after non dahil magbabiyahe pa kami.

"Bye, Mom, Dad," sabi ko habang yakap ko sila. "I love you."

"We love you too," sabi naman nila.

"Keep us updated ok? Kapag may kailangan, tumawag lang ok?" sabi ni Mom.

"Yes, Mom," sabi ko bago siya yakapin ulit.

"Alex, I'll send you the details about the private investigator," sabi ni Dad.

"Yes, Dad," sagot naman nung isa.

I hugged my parents one more time, bago kami tuluyang umalis ni Alex.

***

"You seem more relaxed now," sabi sa akin ni Alex habang nag-dadrive siya.

Totoo yun. Nakatulong ang pagbisita namin sa parents ko. Mas napanatag ang loob ko.

"I am," sagot ko sa kanya. "I'm still scared though. Kahit na hindi pa naman tayo sure kung gaano ba talaga kalala yung sitwasyon."

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapatong sa lap ko. "Don't worry. Basta ang isipin mo na lang na kahit anong mangyari, nandito kami para sayo," sabi niya sa akin.

Na-touch naman ako sa sinabi niya. I felt loved. Sobrang blessed ko at may mga taong nagmamahal sa akin.

"Thank you, Alex," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

He gave my hand a gentle squeeze bago siya nagsalita, "You're welcome, Love."









My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon