Doon ako sa bahay ng parents ko nag-stay maghapon. Hindi ako pinauwi ni Mom. Ayaw niya akong paalisin sa bahay. Sabi niya she wants to comfort her baby boy.
It may sound childish and baduy pero I appreciate it. I need all the comfort that I can get right now. Sobrang daming pagbabago. Sobrang daming revelations. I don't know if I can keep up.
Pagkatapos ko kasing basahin ang sulat ni Jessa ay hindi ko mapigilang umiyak na naman dahil sa sama ng loob. Hindi ko na mapaliwanag ang nararamdaman ko kaya umiyak na lang ako. Hindi ko alam na narinig pala ako ng parents ko.
When my mom saw me crying, agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. She did not ask anything, niyakap niya lang ako ng mahigpit hanggang sa tumahan ako. I don't know why pero there is something about a mother's embrace that makes all the pain go away. Pakiramdam ko magiging ok ang lahat kapag yakap na niya ako.
After crying my heart out ay nagawa ko ng ikuwento ang lahat sa parents ko. They deserve to know dahil parte din sila ng buhay ko, pati na rin ng buhay ni Jessa at Anika. As expected, nagulat sila, lalo na si Mom. Napaiyak pa nga siya dahil sa ikinuwento ko tapos niyakap niya ako ulit. Then doon na niya sinabi na doon muna ako mag-stay for today. She never left my side. Pumayag lang siyang mahiwalay sa akin noong matutulog na siya.
***
Nandito ako ngayon park, nakasandal sa isang puno; sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.
Dati kapag gusto kong mag-isip at maliwanagan, dito ako nagpupunta. Pero bakit ngayon, kahit na nadito ako, hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. My mind is so messed up.
Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kalangitan. Ang ganda ng buwan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig doon. Bumalik na lang ako sa realidad ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Pagkalingon ko ay nakita kong si Dad pala yun.
Hindi siya nagsalita. Sumandal lang din siya sa puno at tumingin sa kalangitan. Tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Dinadama lang namin yung simoy ng hangin habang nakatingin sa buwan.
May isang oras na kaming ganon bago binasag ni Dad ang katahimikan. "Do you regret it?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya dahil medyo naguluhan ako. "Regret what?"
"Jessa," sagot naman niya. Isang salita lang yung sinabi niya but it managed to change the atmosphere.
Napaisip ako dahil sa tanong niya. Pinagsisisihan ko nga ba? Yung pagmamahal ko kay Jessa?
Inalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko kasama siya. All the memories that we shared. Habang iniisip ko yun ay tinatanong ko ang sarili ko. Pinagsisisihan ko ba yun?
It took me a while to answer dahil gusto ko sigurado ako sa magiging sagot ko.
"Honestly, I don't regret it," sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya bago siya nagtanong ulit. "Anong nararamdaman mo then?"
"Hurt," sagot ko sa kanya," kasi pinagkatiwalaan ko siya."
"What else?"
"Panghihinayang," sagot ko naman, "kasi may mga bagay pa rin akong namiss dahil sa ginawa niya."
"What else?"
"I also feel sorry for her. Pakiramdam ko kasi hindi ko nabigay yung pagmamahal na deserve niya."
Kahit na mali yung ginawa niya ay hindi ko siya magawang sisihin o magalit man lang sa kanya. Minahal ko rin naman siya at alam kong she suffered as well noong nabubuhay pa siya. Mabuting tao naman si Jessa. Nagkataon lang na gumawa siya ng maling desisyon dahil sa pagmamahal.
"What about Anika?" tanong naman niya sa akin. "What do you feel about her now? Ngayong alam mo na siya ang mystery person mo, may nabago ba?"
Hindi ko na kinailangang mag-isip ng isasagot ko doon.
"Wala," mabilis kong sinabi sa kanya. "Mahal ko naman na siya even before I knew that."
Pagkatapos kong sabihin yon hindi muna siya nagsalita. Siguro ay hinahayaan niya munang maprocess ko lahat ng mga pinag-usapan namin.
Ito naman ang gusto ko kay Dad. Sa tuwing naguguluhan ako at nalilito , tutulungan niya akong iprocess lahat ng nararamdaman ko. That way, mas maiintindihan ko ang feelings ko at aayos na ang pakiramdam ko.
Iba man sila ng paraan ni Mom pero they both know how to make me feel better. I am blessed to have them as my parents.
After a few minutes ay nagsalita na siya ulit. "You know Alex, naniniwala ako na walang aksidente sa mundo. Na may dahilan ang lahat ng bagay. Na hinayaan ng Diyos na mangyari ang lahat ng ito dahil may dahilan siya," sabi niya. "Have you ever wondered kung bakit hindi pa kayo hinayaan ng Diyos na magkatuluyan noon? Palagi naman kayong nagkikita. You both feel the same way naman pero bakit hindi Niya hinayaan na maging kayo noon?"
Napa-isip ako ulit dahil sa mga sinabi ni Dad. Grabe bakit ba ako isip ng isip ngayong araw? Ang sakit na ng ulo ko ah.
"Maybe it's because hindi pa kayo ready noong time na yon. Yung pagmamahal niyo noon hindi pa ganoon kalalim. Pati kayo, hindi pa kayo ganoon kamature. Minahal mo si Jessa dahil akala mo siya ang mysterious person mo diba?"
"Yes," sagot ko naman sa kanya. Mukhang nakukuha ko na yung point ni Dad.
"Always remember this Alex. Kapag nagmahal ka, wala dapat dahilan. Anong nangyari noong nalaman mo na hindi si Jessa yung mystery person mo? Nabago yung nararamdaman mo sa kanya diba? Oo, mahal mo pa rin siya pero it's already a different type of love," he said then he paused for a while before continuing.
"Now, pwede mo sabihin na ibang case si Anika kasi siya naman talaga ang mystery person mo pero alam ko naman na hindi ka ganoon ka-slow. Alam kong nakuha mo yung gusto kong sabihin," sabi niya pa.
Pagkatapos niyang sahihin yon ay tumayo na siya. "Paano ba yan? Mauna na ako," sabi niya. "Alam mo naman yung Mom mo. Baka mamiss niya ako agad."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ikaw talaga Dad."
Tumawa na rin si Dad dahil sa sinabi niya pero naging seryoso din siya afterwards. "Take it easy, Alex," sabi niya pa. "Always remember that we got your back."
Ngumiti naman ako sa sinabi niya. "I know."
Paalis na siya pero tinawag ko siya ulit. "Dad is it ok kung uuwi na ako? Hindi ba magtatampo si Mom?"
"Huwag kang mag-alala, hindi siya magtatampo. Expect na rin naman namin na babalik ka na sa kanya."
After that ay naglakad na siya ulit pero hinabol ko siya at niyakap.
"I love you, Dad."
Yumakap naman din siya pabalik. "I love you, Son." Tapos ay humiwalay na siya.
****
After umalis ni Dad ay nagbiyahe na rin ako. Pagdating ko ay sobrang tahimik ng paligid. Natutulog na ang mga tao.
Tahimik akong naglakad papunta sa kapahingahan ko. Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi niya.
Hinawi ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya then held her hand and kissed it.
"Hi, Love, " sabi ko sa kanya. "I'm home."
Anika is my home.
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends