Kinakabahan ako. Today is the day na ipapakilala ko si Anika kay Lolo bilang girlfriend ko. I know it's not real but still, kinakabahan pa rin ako.
"Anika matagal ka pa ba?" tawag ko sa kanya.
"Sandali lang naman!" narinig kong sagot niya mula sa kwarto.
Nandito ako sa unit niya dahil sabay na kaming pupunta sa bahay ni Lolo. Ang napag usapan ay 10:00 am kami aalis. Pero siyempre napakakupad talaga ng babaeng ito as always kaya we are now behind schedule.
Mga sampung minuto pa siguro ang lumipas bago ko narinig bumukas ang pintuan ng kwarto niya.
"Ang tagal mo," sermon ko sa kanya bago ako tumayo. May sasabihin pa sana ako kaya lang nakalimutan ko yung sasabihin ko pagkakita ko sa kanya.
"Pangit ba?" she said after gesturing to her attire.
She is wearing a white off-shoulder dress na above the knee. Pagkatapos ay tinernohan niya ito ng heels. Naka-messy bun din yung buhok niya.
Bestfriend ko ba talaga to? Bakit parang ngayon ko lang siya nakitang ganito ang suot. Lagi lang kasi siyang naka slacks and blouse sa work tapos kapag casual lagi siyang nakamaong pants and shirt.
"Uy, Alessandro! Tinatanong kita kung pangit ang suot ko," sabi nito kaya nabalik ako sa realidad.
I just cleared my throat before answering. "Kahit naman pangit ang suot mo ay wala ka ng time para magpalit. Tara na we are running late."
Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko. "Tinatanong ko lang naman kung pangit," narinig kong bulong niya.
Napa buntong hininga na lang ako at lumabas na. Sumunod naman ito agad sa akin.
Mabuti na lang at hindi traffic kaya nakarating kami on time. Pagdating namin sa parking lot sa bahay ni Lolo ay hindi muna ako lumabas.
"Hindi," sabi ko sa kanya.
"Ha? Anong hindi?" taka naman niyang tanong.
"Hindi pangit ang suot mo. Maganda," sabi ko na lang at agad bumaba ng kotse.
Ano yun Alessandro! Sermon ko sa sarili ko habang naglalakad. Bakit sinabi mo pa yun!
Kakatok na sana ako sa pinto ng biglang may humawak sa kamay ko.
Tinignan ko si Anika pero nginitian niya lang ako.
"We need to look convincing," ang tanging sinabi niya sa akin.
Wait. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganoon na lang ba ang kaba ko sa gagawin namin? I tried to calm myself but it's no use.
"Hinga lang, Alessandro. We got this," she said before giving my hand a gentle squeeze.
That did the trick. Mabuti na lang at si Anika ang kasama ko.
Sinalubong naman kami ng maid at dinala sa living area.
"Alex, apo!" bati sa akin ni Lolo. "Buti at nakapunta ka!"
"Hello, Lolo." I greeted him before giving him a hug.
"Anika, iha nandito ka rin pala," sabi naman niya pagkakita niya Anika.
"Hello, Gramps. It's good to see na you're recovering well," she replied.
"Of course! I promised my family na magpapagaling ako. Lalo na at nangako sa akin si Alex na ipapakilala niya sa akin ang girlfriend niya after I recover," masayang sambit ni Lolo.
Nagtinginan kami ni Anika.
"So, Alex, where is she?" excited na tanong ni Lolo.
Tinignan ko ulit si Anika at tinanguan niya ako. I held her hand and gave it a gentle squeeze.
"She's standing in front of you, Lolo," sabi ko.
Noong una ay parang naguguluhan pa si Lolo pero nung narealize na niya yung ibig kong sabihin ay biglang nagliwanag ang mukha nito.
"Si Anika, really?" he asked with excitement.
"You got that right, Gramps," masiglang sagot ni Anika with matching kindat pa.
Tumawa naman ng malakas si Lolo dahil doon. "I knew it! Sabi ko na nga ba at kayo rin ang magkakatuluyan!" He exclaimed bago siya tumawa ulit.
Awkward naman kaming nakitawa ni Anika sa kanya.
"Why didn't you tell me nung nasa ospital tayo?"
"Well sabi ng doktor bawal ka daw ma stress, so we decided na huwag na munang sabihin sayo," I replied.
Nakuha naman ni Lolo yung point ko kaya tumango na lamang ito.
"Very well then, tara na sa dining para makakain na tayo at para maikwento niyo sa akin kung paano naging kayo."
And we did just that. Sinabi namin kay Lolo yung story na naisip namin. Na we decided to give it a try tutal matagal naman na kaming magkakilala. Mukha namang pinaniwalaan iyon ni Lolo. He looks happy about the news too.
After lunch, we decided to stay for a while. Nagkuwentuhan lang kaming tatlo like what we usually do kapag magkakasama kami.
When it was time to go ay inihatid kami ni Lolo sa pinto.
"Bye, Gramps," pagpapaalam ni Anika before giving my grandfather a hug.
I also said goodbye and gave him a hug.
"I'm happy, it's her," said Lolo.
I just smiled and replied, "I am too."
And I mean it. Masaya akong si Anika ang kasama ko dito. If it weren't for her, sigurado akong kanina pa ako pumalpak.
After that ay dumiretso na kami sa condo and I decided na ihatid muna si Anika sa unit niya.
"Thank you," sabi ko bago siya pumasok sa unit niya.
She just smiled and kissed my cheek. "You're welcome boyfriend!" she said with a giggle.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sige na. Magpahinga ka na."
Tumango na lamang ito bago siya tuluyang pumasok.
I just smiled before entering my own unit.
Thank God.
I'm so glad that it's finally over...
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Roman pour AdolescentsAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends