Nandito kami ngayon sa KFC. Dito na naman kasi dumiretso si Anika.
Pumayag naman ako dahil gusto ko ring kumain ng mashed potato nila. Kung si Anika, brownies ang paborito, ako naman ay mashed potatoes.
Halos maubos ko na yung pagkain ko ng magsalita ang kasama ko.
"So anong balak mo? Maghahanap ka talaga ng mapapangasawa?"
Natahimik ako sandali bago ko siya sinagot.
"Kung iyon lang ang paraan para ibigay ni lolo sa akin ang kumpanya gagawin ko. Nawala na sa akin si Jessa, hindi naman ako papayag na pati ang kumpanya mawala pa sa akin."Tumango lamang siya bago kumagat dun sa hawak niyang brownies. "May binigay ba siyang deadline sayo?"
Umiling lamang ako. "Wala naman."
"May ibang candidate pa ba na pwedeng mag-mana ng company bukod sayo?"
Umiling ako ulit. Wala naman akong natatandaan na ibang candidate for succession bukod sa akin. Simula pa lang kasi nung una, ako na talaga ang napagkasunduang mag-mamana ng kumpanya.
Natahimik naman siya. Tila nag-iisip ng malalim. "So lumalabas na gusto ka lang talaga makasal ng lolo mo?"
Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. "Most likely, yes. Yan lang din ang nakikita kong dahilan."
Tango na lang ang sinagot niya sa akin. Pagkatapos non ay kumain na siya ulit ng brownies.
Babalik na din sana ako sa pagkain pero mayroon pa ring gumugulo sa isip ko.
"Kung yun lang naman ang gusto niya bakit kailangan niya pang idamay ang kumpanya. Pwede namang sabihin na lang niya sa akin yun."
Natawa naman si Anika dahil sa sinabi ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Umiling lamang siya tapos kumain na naman.
"Bakit nga?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Sabihin mo nga sa akin Alessandro, kung hindi ginawa ng lolo mo yung may balak ka pa bang magpakasal?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. May balak pa nga ba akong magpakasal?
"O diba? Hindi ka makasagot," sabi niya. "Alex alam kong unreasonable yung paraan na ginamit ng lolo mo pero try to see the situation from his point of view. Matanda na siya. Kahit sabihin nating nakarecover siya from what happened last year, hindi tayo sure kung anong mangyayari in the future. Gusto ka lang niya makitang mag-settle down."
Napa-isip na naman ako sa mga sinabi niya. Ano bang nakain ng babaeng ito at nagpapaulan siya ng words of wisdom ngayon.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman na akong magagawa. Nandiyan na yan eh.
"Huwag kang mag-alala Alessandro. Tutulungan kitang humanap ng aasawahin mo." Tila bumalik na naman sa dati si Anika. She is her usual crazy self again.
"Tss. Hindi ko kailangan ang tulong mo," sabi ko naman.
"Pwede ba? Eh sa sobrang pagkapihikan mo malamang walang papasa sa standards mo."
"Bakit masama ba yon?" sagot ko sa kanya.
"Bakit sinabi ko ba?" sagot din niya. "Alam naman natin na hindi ka basta-basta magpapakasal sa kung sino. Sigurado ako na mahihirapan kang maghanap ng babaeng makakasundo mo. Isa pa, baka hindi ka na marunong manligaw. Gurang ka na kasi."
Sabi niya bago tumawa ng ubod ng lakas.
Aba't loko to. Hindi naman ako ganon katanda para makalimot manligaw.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Baka nakakalimutan mong tinulungan pa kita sa panliligaw mo sa ate ko? Siya ang first girlfriend mo diba?" dagdag pa niya bago siya nagsimulang tumawa ulit.
Mas lalo ko siyang inirapan.
"Makapagsalita siya akala mo nagka boyfriend na," bulong ko sa sarili.
"Anong sinabi mo?!"
Lagot. Narinig pala niya. "Ang sabi ko, ang lakas ng loob mong magsalita samantalang NBSB ka!"
"Aba't loko ka ah!" sigaw naman niya
Sasagot pa sana ako kaso may dumating na crew.
"Excuse me po Ma'am, Sir, pwede po bang pakihinaan yung boses niyo? Naiistorbo po kasi yung ibang customers."
Napatahimik naman kami pareho dahil sa kahihiyan.
"Sorry kuya ah," sabi ni Anika dun sa crew bago niya ito gawaran ng matamis na ngiti.
Bigla namang nag-blush yung crew.
"A-ah, ok lang po ma'am. Basta huwag niyo na pong ulitin," sagot naman nito bago umalis.
Inirapan ako ni Anika samantalang nilabas ko ang dila ko para inisin siya.
"Ayaw ko na dito," sabi ni Anika bago tumayo at naglakad. "Bahala ka diyan."
"Iiwan mo yung brownies mo?" tanong ko habang ini-angat yung isang paper bag na puno ng brownies.
Para naman itong batang padabog na bumalik at kinuha yung paper bag.
"Hmp!" sabi niya bago siya ulit nag-walk out.
Natawa naman ako dahil sa ginawa niya.
Niligpit ko muna yung pinagkainan namin bago ako umalis.
"Parang bata talaga." sabi ko habang nag-ddrive pauwi.
Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung mukha niya kanina.
Si Anika talaga
Pero kahit na ganon siya, she never fails to make me smile and I am thankful to have her by my side.
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends