Chapter 9

444 48 1
                                    

Busy ako ngayon dahil hindi pumasok si Alex. May meeting kasi siya kasama ang lolo niya tungkol sa paghahand over sa kanya ng company.

Grabe nga siya eh. Kung hindi pa ako naghatid ng pagkain kagabi hindi ko pa malalaman na ngayon na yun.

Ito naman kasing si Alessandro ni hindi man lang nagsasabi. Pero kahit na ganon ay masaya pa rin ako para sa kanya. Alam ko rin na kahit hindi siya nagsasabi ay masaya rin siya.

I'm so proud of him. Kahit na paulit-ulit kong sabihin yon ayos lang. Totoo naman kasi.

Masasabi ko rin na deserve niya lahat ng naabot niya ngayon. He worked hard para makuha ang mga yon. Hindi siya nandaya, pinagtrabahuhan niya lahat.

I'm very happy for him.

Halos 8:00 pm na nang matapos ako sa trabaho. Inaayos ko na yung mga gamit ko ng makatanggap ako ng tawag galing kay Tita Shay.

"Hi Tita! masaya kong bati sa kanya.

"Hello Anika," sagot niya ng may lungkot sa kanyang boses.

Anong nangyari? Napano si Tita?

"Tita ok lang po ba kayo?" nag-aalala kong tanong.

Tahimik lang siya ng ilang segundo bago siya sumagot,"Anika, can you check on Alex?"

"Bakit? Napano po si Alex?"

At ikinuwento nga ni Tita ang nangyari.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Si Lolo ni Alex? Gagawin yon?

"I'm sorry kung sayo ko pinapagawa ito. We tried to call him pero hindi na siya sumasagot."

"No worries Tita," sagot ko naman sa kanya. "Pupuntahan ko po siya."

After our call ay nagmadali na akong magligpit at dumiretso na ako sa unit ni Alex. Sinubukan kong kumatok pero walang sumasagot kaya kinuha ko muna yung spare key sa unit ko.

Yes, I have a spare key sa unit ni Alex and vice versa. Binigyan namin ang isa't isa ng spare key sa mga unit namin in case of emergency. Tulad ngayon...

Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kuwarto niya.

Sobrang bigat ng naramdaman ko after seeing the scene in front of me.

There he was, the great Alessandro Rodriguez, surrounded by empty beer bottles, crying in his sleep while tightly hugging the picture of the person he loves the most.

"Alex," I said as I gently nudge him awake. "Alex gising na. Huwag ka sa sahig matulog."

Tila naalimpungatan naman siya dahil tumingin ito sa akin.

"Jessa," tawag nito sa akin. Habang patuloy ang pag-iyak.

"Hindi ako si Ate, Alex," malungkot kong sagot sa kanya. "Wala na siya remember?"

Limang taon na ang nakalipas noong namatay si Ate Jessa. Graduating sila noon ni Alex sa business school. She was on her way home nang mabundol ng truck ang sinasakyan niyang kotse. Dead on the spot silang dalawa ng driver niya.

Alex was so devastated that time. Balak na kasi nilang magpakasal after ng graduation. Ni hindi nga siya lumalabas ng kwarto niya noong mga unang buwan pagkatapos ng pagkawala ni Ate. Sobrang mahal niya kasi ito.

Actually nagkakilala kami ni Alex dahil sa kanya. Nung nanliligaw pa lang kasi si Alex ay sa akin yun nagpatulong. Alam kasi niya na super close kami ni ate.

Sobrang nalungkot din ako nung nawala si ate. Sobrang miss ko na siya kaya hindi ko maiwasan na maluha.

"Jessa, why are you crying?" malungkot na sambit ni Alex. "Ako dapat ang umiyak dahil ako ang naiwan diba?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinunasan ko na lang ang pisngi niya.

Mas lalo siyang napaiyak dahil sa ginawa ko. "Bakit mo ako iniwan? Hindi ko sana mararanasan ito kung hindi ka umalis."

"I'm sorry," sabi ko sa kanya bago ko siya niyakap. "Alex, I'm sorry."

Hindi ko alam kung bakit ako nag-sosorry. Basta ang alam ko lang ay sobrang naaawa ako sa bestfriend ko. Hindi niya deserve to.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol na parang bata.

"Bakit mo ako iniwan Jessa?" paulit-ulit niyang tanong habang umiiyak pa rin.

Niyakap ko lang siya hanggang sa makatulog na siya ulit.

Inihiga ko na siya sa kama at nilinisan. Hinubad ko ang mga sapatos niya tapos pinunasan siya ng basang bimpo. Nilinis ko na rin ang kwarto niya.

"Sorry, Alex." sambit ko habang hinahaplos ang ulo niya. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita."

Pagkatapos non ay kinumutan ko na siya at humiga na ako sa sofa na nasa kwarto niya.

Kahit anong mangyari, tutulungan kita Alex.

Sa abot ng makakaya ko.

Pangako ko yan sayo.

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon