"Pagbabalik"

24 1 0
                                    

Nitong nagdaang taon, tumigil ang mundo ng bawat bansa.

Bayang nasadlak at nalugmok sa dusa.

Nang bayrus na kumalap, mula sa banyaga.

Na sa buhay natin, pangambay 'di masawata.


Suliranin ng pandemya sa buong mundo'y nanalanta.

Ang maliit na bayrus ay 'di mapuksa-puksa.

Mga taong nahahawaan kinikitil ng walang kalaban-laban.

Na sa isang iglap lamang buhay ay namamaalam.


Naging hamon sa atin ang taóng nagdaan.

Sa lahat ng mga tao pag-iingat ang kailangan.

Upang pandemyang nararanasan ay mawawakasan.

Sa lahat ng mga taong patuloy na naaapektuhan.


Malaki ang epekto nag COVID-19 sa mga tao ---

Sa kalusugan, kabuhayan at maging sa karapatan.

Lalo na't ang mga tao'y nasa laylayan ng kahirapan.

Na hindi kayang matustusan ang mga pangangailangan.


Maraming binago, ngunit panganib ang dulot nito.

Ang ekonomiya ng bansa ay biglang ginuho.

Mga manggagawa, sa kumpanya umaasa ay naglaho.

Dahil sa perwisyong dulot na hatid ng mikrobyo.


Pamilya'y pinaglayo ang iba nama'y pinagbuklod nito.

Maging hirap ma'y nararanasan buong tapang pa rin nagsasakripisyo.

Mga pambihirang kagitingan sa kanilay masasaksihan.

Mga frontliners ang bagong bayani ng sanlibutan.


Sa kanila'y pagharap sa digmaang walang kasiguraduhan.

Kung buhay man nila ay sadyang mawakasan.

Tapang at lakas ng loob ang kanilang kalasag.

Maging pananalig sa Diyos kaligtasa'y ipagkaloob.


Kaya't tuntunin ng gobyerno'y ating sundin.

Mga protocol ay dapat bigyang pansin.

Alang-alang sa kaligtasan ng sambayanan.

Mautas na itong salot na mikroboyo na lumaganap sa Lipunan.


Pandemyang lumaganap isang taóng nakalipas.

Masaya ang lahat na ito'y magwawakas.

Ngunit, tila ito'y muling nagbabadya.

At lalong dumarami ang nagiging biktima.


Muling nababalot, ang takot ng bansa.

GCQ sa mga ilang bayan ay muling idineklara.

Dahil sa muling banta nitong bayrus na sugapa.

Na patuloy ang pananalanta.


Pag-iingat na naman ang dapat kailangan.

Sa muling pagbabalik ng ating kalagayan.

Sa nakaambang bayrus na kinatatakutan.

Nang kalabang hindi nakikita kahit saan man.


Sa pagbabalik nitong kalagayan.

Tila nababalot ng takot ang mga tao na naman.

Na muling mararanasan ang nangyari sa nagdaan.

Ang perwisyong hatid ng bayrus sa karamihan.


Mahirap tanggapin, dapat ito'y kakayanin.

Ang patindi nang patindi ng delubyong ating kinakaharap.

Na kasalukuyan patuloy nating nararanasan.

At gumigimbal sa sansinukuban.


Matindi man ang pinsala nito sa lahat.

Magtiwala at manalangin sa Diyos na lumikha.

Na malabanan ang umiiral na palamarang pandemya.

At kumitil pa sa maraming nilikha.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon