Ako

146 3 0
                                    

Bata pa lamang ako

Paghihirap ko'y laging kasalo

Naroon at nariyan sa ibang tao

Upang magsilbi sa aking pagbuo.


Minsa'y laging nasa isip ko

Mga katanunga'y hindi matanto

Na kung bakit ako'y ganito

Sa mundong ako'y nabuo.


Naglalakbay sa mga ulap

Na puno ng mga paghihirap

Sa ibang tao'y nakikiharap

Upang matupad ang pangarap.


Luha ko'y laging umaagos

Sa tuwing ako'y nakagapos

Nang tadhanang walang puspos

Ang paghihirap na aking tinatapos.


Lahat ng ito'y aking kinakaya

Dahil alam kong sa akin nakatadhana

Sa buhay na laging kasa-kasama

Kahit saan man ako pupunta.


Ang pangarap ko'y hindi matupad

Kung hahayaan na lamang at hindi lilipad

Sa mundo kung saan man ako mapadpad

Sa lugar na sa akin kapalaran nakasaad.


Hindi ko maiwasan ang ako'y matalo

Nang puso't isip na laging nanggugulo

Na ang pagkapoot ko'y laging sumasamo

Sa mga taong nagpapahirap sa aking pagkatao.


Saan na nga ba ako tutungo?

Kung ako'y hindi makihalubilo

Sa mga taong tinatanggap ako

Kahit pa man ako ay tinatrato.


Salamat na lamang sa POONG MAY KAPAL

Na siya'y laging sumasalo sa mga sagabal

Sa buhay ko na puno ng pangangatal

Sa mga taong walang awang nagbubrutal.


Kahit napakapait ng aking pinagdaanan

Masaya pa rin ako sa pagtupad ng dahan-dahan

Sapagkat alam ko na ito'y sa akin nakalaan

Na sa mundong ito may nakalaang KATAGUMPAYAN!

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon