Bansang Pilipinas, dakila ng kabayanihan.
Mga bayaning Pilipino, walang inuurungan.
Buhay man ay kapalit, para lamang sa bayan.
Na ipagtanggol ito, sa mapang-aping mga dayuhan.
Si Gat Jose Rizal, isa sa bayani ng bansa.
Sakripisyo'y ginawa, para tayo'y makalaya.
Gamit ang papel at pluma, sa pagtuligsa sa mga Kastila.
Sa mapayapang paraan, sa paghingi ng reporma.
Si Andres Bonifacio, ang matapang na tao.
Gumamit ng itak at lakas, para lumaban ng totoo.
Dugo ang ibinuwis, sa pagkamit ng kalayaan.
Binuo ang KKK, para sa kanyang inang bayan.
Si Apolinario Mabini, Utak ng Himagsikan.
Dahil sa katalinuhan, at may matibay na paninindigan.
Kahit siya'y paralitiko, nang panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Tungkulin niya'y ginampanan, para sa Diyos, sa bayan at kapwa-tao.
Ang rebolusyonaryong Pilipino, nang panahon ng himagsikan.
Si Emilio Jacinto, tinaguriang Utak ng Katipunan.
Naging lider ng samahan, dahil sa kanyang kahusayan.
Diyaryong ginamit sa pamamahagi ng impormasyon, para sa kalayaan.
Sina Antonio Luna, Marcelo Del Pilar at Melchora Aquino, ilan lamang ang mga ito.
Nagbuwis ng buhay sa bayan, para tayo'y maging buo.
Ipinaglaban ang bayan, huwag lamang madungisan.
Kapalit ang kamatayan, sa kamay ng mga lilong dayuhan.
OFW, kami ay saludo sa inyo.
Bayaning maituturing, nang bagong milenyo.
Kapanglawan ay tiniis, sa pamilya'y malayo.
Pagdurusa'y kinaya, makapagsilbi sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw