Bagong Taon Na Naman

179 2 0
                                    

Kabi-kabila ang selebrasyon.
Iba-ibang pamamaraan sa pagsalubong ng taon.
Mga pamilya'y magkakasama sa sandaling pagkakataon.
Kaligayahang dulot nito sa mahabang panahon.

Salu-salo ang pamilya sa hapag kainan.
Sa pagsapit ng alas dose hanggang magdamagan.
Kasiyahang namumutawi ng bawat isa'y walang patid.
Nang biyaya ng Diyos sa buong taong hatid.

Mga problema'y isinantabi muna.
Dulot sa nagdaang taong natatamasa.
Hinarap nito ang bagong pag-asa.
Pag-asang makabangon sa mga naranasang problema.

Ingay ng torotot, umaalingawngaw sa buong bayan.
Mga makukulay na fire works, pinagkakaguluhan.
Maging ang busina ng dyip, sumabay sa kasiyahan.
At tambutso ng motor, humihiyaw din ng walang pakundangan.

Pagdiriwang ay ligtas, mga paputok iwasan.
Gawin itong simple at ito'y makabuluhan.
Nang walang mapahamak at masasaktan.
Sa pagsalubong ng baong taon ng kasiyahan.

Bagong taon, bagong resolusyon.
Nang bawat isa, sa pagharap ng bagong hamon.
Panibagong pakikibaka sa loob ng isang taon.
Sa mga unos ay makabangon at laging makaahon.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon