Napakasakit ng salitang paalam.
Ang hirap gawin, ang hirap gampanan.
Subalit sadyang mapaglaro itong kapalaran.
Tayo'y binuklod ngunit tayo rin ay lilisan.Sa simula pa lang, ako'y nag-aalinlangan.
Na sa mundo ninyong akoy sasagwan.
Tila sadyang nakaguhit ating kapalaran.
Ako'y sa inyo hanggang sa katapusan.Sa apat na sulok ng silid tayo nabuo.
At dito rin tayo naipaglalayo.
Nang tadhana sa mahabang panahon.
Sa paghihiwalay, masayang ala-ala ang ating baon.Sadyang napakahirap na tayo'y maghiwalay.
Mula sa masaya at ngayo'y nalulumbay.
Sadyang hindi mawaglit ang aking kalungkutan
Subalit walang magagawa dahil sa atin ito nakalaan.Sa simula pa lang nang tayo'y nagkita.
Tila umaalingawngaw agad ang kasiyahan sa aking taenga.
Kasabay noon ang pag-ibig na sadya.
Sa puso ko kayo'y nakapunla.Hindi mawaglit ang kalungkutang nadarama.
Habang papalapit na tayo'y maghihiwalay na.
Araw at gabi sadyang nagpapaalala.
Mga halakhak niyo'y sa akin mawawala.Mahirap limutin ang ating pinagsamahan.
Luha sa mata ko'y pumatak at hindi mapipigilan
Ang sakit na dulot nito'y aking naramdaman.
Ang paghihiwalay natin ang sadyang dahilan.Anuman ang naghihintay sa inyong patutunguhan.
Hangad ko sa inyo ang aking kaligayahan.
Sa muli't muli aking aasahan.
Na ang ating samahan ay hindi mabuwal magpakailanman.Sa huling pagkakataon ng ating samahan.
Lungkot at lumbay ang aking nararamdaman.
Tila hindi pa handa sa bagong tutunguhan.
Sapagkat hangad ko pa rin kayo'y pangaralan.Bilin ko sa inyo'y itanim sa isipan.
Lumipad ng malaya at huwag mag-alinlangan.
Pangarap tuparin para sa inyong kinabukasan.
At ang panalangin sa Diyos ay huwag kaligtaan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw