Sa aking pagsilang, tuwa mo'y walang pagsidlan.
Magkaroon ng anak, sa Diyos na iyong kahilingan.
Amang mapagmahal, kalinga'y walang kupas anuman.
Suporta'y laging nandiyan, sa lahat ng pangangailangan.
Bayani kang tunay, sa lahat ng oras.
Kapag pamilya'y nagkakasakit, agad kang kumaripas.
Lumulan nang mabilis, gamot ay hahanapin.
Upang malunasan at agad na gumaling.
Iba-iba man ang tungkulin, iisa ang tawag natin.
Haligi ng tahanan, mabigat ang mga gampanin.
Padre de pamilya, pondasyon ng lahat.
Anumang pagsubok, tumawag sa Diyos ay ipinamulat.
Haligi ng tahanan, hindi napapagod anuma ng tungkulin.
Sa tahanan ay katuwang, sa lahat ng gastusin.
Panganib man ay sasabakin, huwag lang kaming gutumin.
Kalungkuta'y mababakas sa mukha, kapag ito'y aming danasin.
Aking ama, kasipagan mo'y walang katulad.
Nagtatrabaho sa umaga, maging gabi ay ginawa mo pa.
Hindi napapagod, para sa kinabukasan ng pamilya.
Ayaw niyang matulad, ang pamilyang maging aba.
Ama'y responsable, tunay na lalaki.
Pamilya'y inuuna, bago ang kanyang sarili.
Sa gitna ng araw, sa ilalim ng ulan.
Tinitiis lahat, siya'y magkasakit man.
Napakapalad, ng may pamilyang ito.
Amang mapagtiis, pagkalinga'y sobra sobra.
Prinsipyo mo'y dakila, kahit ikaw ma'y nagigipit.
Mga pangaral mo, kahit sa patalim ay huwag akong kakapit.
Salamat ama, sa mundong ako'y natao.
Nang dahil sayo, ako'y naging buo.
Ang mga pangaral mo'y, isapuso't isip ko ito.
Upang masuklian ko, ang lahat nang kabutihan mo
Aking ama, tunay ka ngang dakila.
Biyaya ka ng Diyos sa amin, at kami'y pinagpala.
Salamat sa mabuting pangaral, na sa aki'y ipinamulat mo.
Hanggang sa pagpikit ng mga mata mo, nakaukit pa rin ito sa puso't diwa ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw