Ang buhay ng tao’y parang isang gulong
Ibaba't itaas ang minsa'y pagsulong
Iba’t ibang sarap sa bawat paggulong
Tuloy sa pag-ikot tagumpay ang sumpong.Sa tuwing paglakbay pag-ikot ng sapat
Minsa’y nasisira na damhin ang landas
Katulad ng tao’y nanghihinang sadlak
Sobrang kapaguran sa labis na hangad.Ang alab ng lingap ito’y kailangan
Nagbibigay tibay sa hadlang kong puwang
Sa mga pagsubok na hindi bibitaw
Sa lahat ng laban ay magkaagapay.Anumang pagsubok magpatuloy lamang
Sa mga balakid na masusumpungan
Huwag matatakot na ganyan ang buhay
Basta't mananalig sa Poong Maykapal.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoesíaSamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw