"DIYOS ANG MAY LIKHA"

9 1 0
                                    


Sa bagong simula,  galak ang s'yang tanda.
Pagputok ng araw, hamo'y  nakahanda.
Sa gawing Silangan, pag-asa'y andukha.
Walang kasing ganda, Diyos ang may likha.

Sa ihip ng hangin, langhap ay sariwa.
Mga berdeng damo, tila isang dangwa.
Espasyo'y malawak, tuwina'y paghanga.
Diyos ang may likha, na kahanga-hanga.

Sa lambak ng hardin, bulaklak kay gara.
Tanaw sa bintana, lungkot ko'y nasira.
Iba't - ibang kulay, mata'y iginala.
Diyos ang may likha, saya'y naghimala.

Pakpak na makulay, 'di hamak ang tuwa.
Munting paruparo, pagsuyo ma'y diwa.
Sa bukang liwayway, ay may swerteng dala.
Diyos ang may likha, na pinagpapala.

Kay gandang pagmasdan, ang bagong simula.
Ibong natatanaw, mithi ay tiwala.
Malayang lumipad, taas at pababa.
Diyos ang may likha, buhay ay mahaba.

Iba-ibang saya, aking pinakita.
Nitong mga likha, kanila may banta.
Na sa aking puso, hatid ay biyaya.
Diyos ang may likha, ito'y mutyang-mutya.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon