Saan mang salikop ng mundo, ikaw ma'y nagsilbi.
Maituturing kang, bagong bayani.
Sa panahon ng pananalasa, nitong pandemya.
Sirbesyo mo'y sa bayan, ay napakahalaga.Takot at pangamba, ay sadyang binabaliwala.
Maisalba at maipagpatuloy lamang ang buhay nila.
Sa pakikipagkarera, nitong salot na pandemya.
Na kumikitil ng maraming buhay sa buong bansa.Mga frontliners, ang turing sa kanila.
Kahit panganib ang kinakaharap, ay nagsisilbi pa rin sila.
Na mapuksa itong pandemyang, patuloy namiminsala.
Nang walang habas, tumigbak ng buhay ng bigla-bigla.Araw-araw, nakikipagbuno kay kamatayan
Para masagip ang buhay ng kababayan.
Sa salot na pandemya, na kumakalat sa sanlibutan.
Na nagpapahirap sa bayang sinilangan.Hindi man madali ang buhay ngayon.
Nandiyan pa rin kayo, nagpapatuloy at bumabangon.
Ma-pribado at publiko man, kayo'y naroon.
Sa anumang pagkakataon, kayo'y tumutugon.Manggagawang Pilipino, sa anumang larangan.
Saludo ang lahat, sa inyong kadakilaan.
Sa sipag at dedikasyon, sa inyong mga trabaho.
Kahit may bantang panganib, umaalalay pa rin kayo.Manggagawang Pilipino, yaman at dangal ng bansa.
Buo ang loob at puso, sakripisyo'y ginagawa.
Sa kabila ng pandemyang nararanasan, masigasig pa rin kayo.
Kaya't pagpupugay naming handog, para sa inyo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw