Sa bawat hagod ng aking kamay.
Hindi ko malirip ang nagbabanyuhay.
Ang bawat letra'y nagtatalik ay pinag-iisipan.
Nagbunga ng mga pahayag at naghuhumiyaw ng katarungan.
Tatanggapin ko ba ang kabiguang ito?
Ang pagkalumbay ng aking pagkatalo.
Sa bawat patak ng luha ng mga mata ko.
Dumadaloy na hindi alam kung saan tutungo.
Naikintal sa aking isipan.
Ang bawat kabiguan na aking nakamtan.
Hindi lang pala ito ang una't huling laban.
Sa susunod ay pag-igihan na lang.
Muling sinulyapan mga titik na pinagsama-sama.
Pinagtagpi-tagping pahayag kung bakit hindi pumasa.
Baka nga siguro kulang pa sa timpla.
Sana susunod dagdagan ng sangkap para mapansin na.
Sa aking pagsulat ikaw and batas.
Kasabay ng namumutiktik ng bawat kalatas.
Nang masidhing paghimok at ng pita.
Pluma at ako sa tagumpay magkasangga tayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw