Umagang kay ganda.
Alas singko y medya.
Aksidenteng bumulaga.
Sa mahal kong ina.Pagtakbo ko sa kalsada.
Ang ina ko'y nakatihaya.
Nabundol ng sasakyan.
Nang walang kalaban-laban.Mga taong nakipag-osyusuhan.
Awang-awa na pinagmasdan.
Agad ko siyang binuhat.
Nang dalawa kong balikat.Nang siya'y nasa ospital.
Wala akong tigil sa pangangatal.
Sa ina kong walang malay.
Walang gamot na maibigay.Nang magdaan ang mga araw.
Ina ko'y maraming dumadalaw.
Mga kapuso't kapamilya.
At maging kapatid pa.Nang siya'y isang buwan.
Lalo siyang nahihirapan.
Nang 'di na niya nakayanan.
Siya'y pumikit na lamang.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoesieSamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw