Muling umiikot ang mundo ko sayo.
Tila'y natutuwa ang puso ko.
Tunay na pananabik ang nararamdaman.
Ang puso't isipan, sayo lang nakalaan.Ikaw ay aking minahal.
Kahit pa man ako'y naging hangal.
Umibig na dapat ay kaibigan lang.
Kaya natrato ng parang wala lang.Hindi ko alintana kahit masakit na.
Basta makita lang kitang masaya.
Kahit hindi ako ang siyang dahilan.
Nang mga ngiti at tawa mong lulan.Pilit kong ililihim sakit na nararamdaman.
Yayakapin na lang kahit kasinungalingan.
Huwag lang matibag ang pagkakaibigan.
Kahit na ikaw ang siya nitong laman.Alam ko naman kaya ka umiwas.
Dahil ayaw mo na luha ko'y tumagas.
Dahil tiyak ako'y aasa ng wagas.
Nang pag-ibig ko sayo'y walang kupas.Mundo ko man ay umiikot.
Kahit na sayo'y walang dulot.
Tutuparin ko pa rin ang aking pangako.
Pero hindi na iyon para sayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw