Sugatang Pangako

93 2 0
                                    

Paggising sa umaga, akala koy masaya na.

Nagmamasid ng minsan, nakatingin sa kawalan.

Malungkot ang nararamdaman, sa bawat patak ng tikatik ng ulan.

Mga ala-alay nakaraan, pilit na binabalik-balikan.


Muling ipinikit ang aking mga mata.

Upang limutin lahat nang nadarama.

Ngunit nagpupumiglas itong aking nararamdaman.

Ang nagkubli kong pusong sugatan.


Lunduyan ka ng aking pagkabigo.

Kaya hanggang ngayon patuloy ang panibugho.

Sa nagsusumigaw na sugatan kong puso.

Sa pag-ibig ko sayo, na walang halong biro.


Pagluluksa ko sayo'y nilimot ko na.

Ngunit bakit mahal ikaw pa rin ang ala-ala.

Kahit ang punyal sa puso ko'y nakabaon na.

Ang pahimakas ko sayo'y pilit sasariwa.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon