Pinilit kong idilat itong aking mga mata.
Ngunit ito'y natakpan ng umaagos na luha.
Nakulong ang sarili sa mga desisyon ng kahapon.
Nagpupumiglas sa pagkagapos ng panahon.Gaya ng dagat hindi napapagal sa pag-alon.
Puso ko'y sayo nagmamahal sa mahabang panahon.
Alaalang pilit na winawakasan.
Alaalang nagsusumiksik hindi matatakasan.Kasabay nitong paglitaw ng gunita.
Ang pagdungaw ng luha'y na nagbabadya.
Unti-unting lumulan, tuluyang kumawala.
Luhang lumandas sa mga pisngi tumalima.Pinilit kong lumaban.
Para ipagpatuloy ang ating pagmamahalan.
Pinilit na limutin ang sakit ng nakaraan.
At sayo'y patuloy na ilalaan.Larawan ng iyong imahe ay sobra pang linaw.
At malinaw pang nakaukit sa aking balintataw.
Na noo'y kiliti ang hatid nito.
Ngayo'y dulot nito'y sugat sa aking puso.Naisin ko man kumawala.
Sa pagkagapos ng puso mong walang awa.
Imbis na katapangan aking hanap.
Kaduwagan ang tangi kong nalasap.Ako'y bababa na mula sa ere ng iyong pinag-iwanan.
Hanggang dito na lang ang pangako na walang hanggan.
Gagawin ko na lang ito kapalit ng ikasasaya mo.
Tutuparin ko na lang lahat ang ating pangako pero hindi para sayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw