Kay sarap balikan aking kabataan
Mga simpleng laro na tanging libangan
Hindi mawawala ang bahay-bahayan
Na nagpapalibang sa 'king kamusmusan.Mga lumang kahoy pinagtatyagaan
Dahong malalapad ginawang bubungan
Proteksyon sa init panangga sa ulan
Na aming tambayan maging pahingahan.Sa likod ng bahay doon nagtatayo
Magandang puwesto sa gilid ng puno
Dagdag nitong lilim na kunwari kubo
Ang simoy ng hangin ay presko ang samyo.Si ate at bunso ang tanging kalaro
Araw ng sabado kay sayang 'di biro
Sa bahay-bahayan na may namumuno
Na sa utos niya'y kay tulin kong takbo.Simpleng pamumuhay 'di na mabalikan
Na kagaya dati pawang katuwaan
Kasama'y kapatid maging kaibigan
Tigib ang ligaya'y walang katapusan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw