Pawang tahimik lamang, mundo natin noon.
Sa sariling buhay, lamang tayo nakatuon.
Subalit katoto, nag-iba ang takbo.
Umikot na sayo, itong aking mundo.
Nang unang araw ng ating samahan.
Bakit hindi ka na mawaglit sa aking isipan.
Sadyang nagagalak kapag nagugunita.
Nakaukit ka na nga, sa aking ala-ala.
Naalala ko pa ang iyong pangako.
Walang iwanan, kahit hanggang sa dulo.
Ngunit bakit ngayon, nag-iisa ako.
Nasaan ka mahal ko, wala ka dito.
Pagdadalamhati, ang nadarama ko.
Wala na ang tiwalang inalay ko sayo.
Ang pag-ibig, na iyong pinangako.
Durog na ang puso, sa sirang PANGAKO.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw