Anong sarap sa tuwing umaga.
Sa dampi ng labi sabik ang nadarama.
Ang bawat usok nito at bango ng aroma.
Ang mainit na kapeng nagpapaligaya.Hindi kumpleto kung walang kapares ito.
Ang "toasted bread" na aking paborito.
Kahit walang palaman ay ayos na ako.
Dahil sa linamnam hatid ng kapeng puro.Oh! kay saya ng bawat araw.
Basta't may kape't tinapay araw-araw.
Ligayang di mapapantayan ng bibig kong uhaw.
Sa bawat lagok talagang ako'y napapa-WOW!Ngunit anong nangyari tiyan ko'y kumulo.
Tila nagsasabong ang kailaliman nito.
Dahil ba ito sa kinain kong halo-halo?
Kaya't laman loob ko'y 'di magkasundo?Agarang ako'y tumakbo papuntang palikuran.
Upang doon ay aking dadasalan.
At mailabas itong nararamdaman.
Ang pagsisisi dahil sa kasibaa't katakawan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw