Para Sayo Ina

136 2 0
                                    

Siyam na buwan, nang ako'y iyong inaalagaan.

Sa loob ng sinapupunan, lagi mong iniingatan.

Sa iyong paghihintay, nang aking pagsilang.

Sa mundong ito, na makakasama mo sa kasiyahan.


Ilaw ka ng tahanan, na nagsisilbing Liwanag sa akin.

Sa mundo ko pang madilim, dahil ako'y sanggol pa din.

Sa tuwing ako'y umiiyak, bisig mo'y nariyan.

Upang ako'y iduyan, ng sa gayo'y tumahan.


Ang gabi ginawa mong araw, upang ako'y tatanglawan.

Na sa bawat pagdumi't pag-ihi ko, ika'y laging nariyan.

Upang mapalitan agad ng lampin, para hindi matuyuan.

Nang sa ganun ako'y panatag, hanggang sa magdamagan.


Biyaya ka sa akin ina, nang Diyos na lumikha.

Inang mapagtiis, babaeng dakila.

Pagmamahal at pag-aaruga nang walang patid.

Sa sarili niyang pamamaraan, pag-ibig ay ipinabatid.


Hindi mo iniinda ina, ang iyong kapaguran.

Maghapon sa trabaho, para sa aking kinabukasan.

Ginagawa ang lahat, kahit ika'y hirap na hirap.

Para lamang mapabuti, ang aking pangarap.


Ikaw ang una kong guro sa aking eskwela.

Na nagtuturo, sa mabuting paala-ala.

Ikaw ang umaalalay, sa una kong mga hakbang.

Tuwing ako'y nadadapa, mga kamay mo'y nariyan.


Nang ako'y lumaki na, batid mong kaya ko na.

Hinayaan ng tumayo, sa sariling mga paa.

Pero hindi mo matitiis, ika'y nariyan pa rin.

Para umalalay, sa mundo kong tatahakin.


Ikaw ina, ang nagsilbing tala sa panahon na madilim.

Kapag ako'y nalilihis ng landas, payo mo'y mataimtim.

Pag-aaruga't pagmamahal mo'y, walang kupas pa rin.

Sa pagtugon ng aking pangangailangan, suporta mo'y kay tulin.


Salamat inay, sa iyong mga tagubilin.

Na tumawag sa Diyos, ay huwag kong limutin.

Sa mga pagsubok, na aking kakaharapin.

Kapag wala ka na, sa aking piling.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon