"Sa Puso ng Kuneho"

6 1 0
                                    


Katulad sa ibang hayop, aking mata'y naaakit.
Sa maliit na nilalang, ang pangalan niya'y rabbit.
Kulay niya'y puting-puti, lambing ay kaakit-akit.
Sa lawak ng halamanan, isang Karots kanya'y bitbit.

Lagi siya'y nasilayan, kanya'y mga katangian.
Sa larangan ng pabula, sa akdang pampanitikan.
Karakter niya'y mabilis, subalit naiisahan.
Sa karerang sinagawa, na ating natutunghayan.

Maliit man na nilalang, buhay niya ay may saysay.
Sa kanyang mga alindog, ang puso ko'y dumalisay.
Tainga niya'y mahaba, tindig ay buhay na buhay.
Sa aki'y nagpapahanga, kailan ma'y 'di mawalay.

Katangia'y pinamalas, sa aki'y  'di mawawala.
Sa aking puso't damdamin, siyang kunehong pinagpala.
Diyos ang siyang may likha, taglay sa aki'y biyaya.
Kahit man siya'y mawala, nanatili siyang pithaya.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon