Madaling ipahayag, mahirap gawin.
Para sa bagong normal na tatahakin.
Na estudyanteng matuto sa bawat mga aralin.
Na ituturo ng mga gurong tapat sa tungkulin.Hindi man kami ang nasa tabi nila.
Pero patuloy maglingkod para matuto lang sila.
Kahit na alam, na may banta ang pandemya.
Para kinabukasan nila'y hindi masawata.Tungkulin nami'y hindi magbabago.
Dahil guro kami anumang aspeto.
Haharapin namin ang bagong normal.
Upang kabataan 'di madismaya ang pag-aaral.Mahirap man, itong tanggapin.
Dahil hindi madali ang lahat sa atin.
Kaligtasan pa rin ang dapat uunahin.
Sa bagong normal na pagtuturo ang aming gagampanin.Maraming pagsasanay ang aming pinagdaanan.
Mapabuti lamang ang edukasyon at kinabukasan.
Natatakot man kami, sa mga estudyante pa rin ang kapakanan.
Para masigurado na sila'y may matutuhan.Guro kami sa bagong normal.
Na magpapatuloy ang serbisyong marangal.
Para edukasyon ay patuloy ang pag-unlad.
Sa mga estudyanteng, ang hangad ay mataas na edukalidad.#HappyWorldTeachersDay
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw