Alaala ng Nakaraan

197 2 0
                                    

Minsa'y naisip ko kapag ako'y nag-iisa.

Mga pangarap natin noo'y sadyang napakasaya.

Nang biglang umiba ang ihip ng tadhana.

Naglaho ang lahat ng bigla-bigla.


Habang ako'y nakamasid sa dalawang magkasintahan.

Mga ala-ala ko sayo'y biglang lumulan.

Ang lahat ng masasaya't lungkot ng ating pag-iibigan.

Tinangay na lamang ito kasabay sa ihip ng nakaraan.


Dumating ang maraming taon biglang dumilim.

Kumulog, kumidlat naaalala ang mga paninimdim.

Karanasa'y natin sadyang kay pait.

Na para bagang isang malungkot na awit.


Lumipas ang maraming taon ng aking pag-iisa.

Naaalala parin kita sa larawang kupas na.

Nakatingin sa kawalan iniisip ang nakaraan.

Mga masasayang araw ng ating pag-iibigan.


Nang aking mapagtanto ang lahat ng ito.

Ang pag-ibig ko sayo'y biglang naglaho.

Kasabay ang lungkot ng aking mundo.

Kaya aking sinisinta tapos na at wala na tayo.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon