Sa aking pag-iisa.
Muli't muli ika'y naaalala.
Nitong panahong tayo pang dalawa.
Pauli-ulit na nagbabalik at sumasariwa.Sa aking pag-iisa.
Nasasabik kapag naiisip ka.
Mga masasaya nating ala-ala.
Nakakubli pa rin sa aking memorya.Sa aking pag-iisa.
Ang yakap mo'y hanap-hanap ko pa.
Pilit kong ginagaya.
Sa larawan mong hawak ko kahit kupas na.Sa aking pag-iisa.
Lagi kang sinasariwa.
Na nais madama muli.
Ang pagsinta mo kahit man lang sandali.Sa aking pag-iisa.
Naghihintay pa rin ako na makasama ka.
Hinahanap ka pa rin nitong aking damdamin.
Sigaw nitong puso hanggang ngayon ikaw pa rin.Sa aking pag-iisa.
Sana makita mo ang lungkot ng aking nadarama.
Sa tuwing mga masasayang kahapon nating nagbabalik.
Nitong aking puso sayo'y nananabik.Sa aking pag-iisa.
Ikaw pa rin ang nasa isip ko wala ng iba.
Kahit puso ko ma'y magtitiis.
Hindi ka mawawaglit nitong damdaming naghihinagpis.Sa aking pag-iisa.
Hanap-hanap pa rin kita.
Mula pa man noon at sa hanggang ngayon.
Ikaw pa rin ang nakaukit sa ating kahapon.Sa aking pag-iisa.
Iniisip ko pa rin na kapiling ka.
Kahit man malabong mangyayari.
Dahil sayo'y mayroon ng pagmamay-ari.Sa aking pag-iisa.
Lungkot may nadarama.
Pag-ibig ko sayo'y walang hanggan.
Hanggang sa matapos ang magpakailan man.Sa aking pag-iisa.
Hindi ka pa rin malaya.
Nitong aking pusong nagsusumamo.
Ang pag-irog ko sayo'y hindi maglalaho.Sa aking pag-iisa.
Iniisip pa rin kita.
Mundo man natin ay magkaiba na.
Ikaw pa rin hanggang sa huli ng aking hininga.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw