"SA PILING NI LOLO AT LOLA"

11 1 0
                                    

Nang ako'y bata pa sila ang kasama
Kanila'y alaga sadyang damang-dama
Di mapantayan kahit may problema
Na katulad sila nina ina't ama.

Ako'y pinalaki gabay sadyang tunay
Bawat kamalian sila'y umalalay
At kanilang itama ang lahat kong sablay
Pagkat 'di tutugot lumaking pasaway.

Kay sarap magmahal ng lolo at lola
Lahat ng layaw ay ibibigay nila
Kahit sila'y hirap meron pa rin sigla
Apo'y inuuna sa anumang abala.

Kapag dumating na aking kaarawan
Sila'y sadyang gayak sa aking handaan
Di man din papayag sayang malampasan
Matapos ang araw ng pagdiriwangan.

Nakakalungkot lang na sila'y lumisan
Di ko na madama at masisilayan
Ang kanilang tuwa na aking tumbasan
Na kung sila'y buhay sana'y masuklian.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon