Guro

142 3 0
                                    


Pangalawang magulang, kung ituring nila.

Sa maliit na silid, sila'y sama-sama.

Walong oras na inuukol, minsan ay sobra pa.

Upang estudyante hubugin, ang pagkatao nila.


Hindi maitatago, lungkot mo'y nadarama.

Kung estudyante, lagpak sa pagsusulit niya.

Awa ng puso mo'y nariyan na naman.

Para muling ibangon at sila'y gabayan.


Hirap mo'y walang patid.

Araw at gabi gawain ay batid.

Maging sa tahanan, trabahoy dala-dala pa rin.

Kaya't kung matulog, hatinggabing malalim.


Boses mong puhunan.

Minsan pa'y nauubusan.

Sa pagtuturo ng marangal.

Sa mga batang, minsa'y hindi nagpapakita ng magandang asal.


Minsan pa nga'y, ika'y takbuhan.

Nang mga batang, may problema sa tahanan.

Ika'y naging karamay.

Sa naranasan nilang lumbay.


Maging sa iyong pagtulog, ika'y binabangungot.

Nang mga salita't aral na sa kanila'y nililok.

Sa mga estudyanteng pasakit, dapat mahaba ang pasensya.

Dahil sa puso nila, bayani ka.

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon