Araw-araw ikaw pa rin ang naiisip.
Larawan mo'y nakikita, maging sa panaginip.
Puso't isip ko'y tila ba'y nagtatalo.
Ikaw pa ba ang dating mahal ko?Puso'y nagtataka, nang ika'y makilala.
Tila bagang, buhay ko'y nag-iba.
Na sa isip ko ay bumuo ng kuwento.
Tungkol sayo, habang kasama mo ay ako.Ikaw ay tala sa aking panaginip.
Nagbibigay liwanag sa gabi kong madilim.
Bawat mong titig sa aki'y umaangkin.
Lungkot at ligaya ikaw ang kapiling.Puso'y kumikirot, isip ko'y nalulungkot.
Nang lumapit sayo na may halong poot.
Habang binibigkas nitong labi ko.
Ang katagang, sino yang kasama mo?Hindi na maibabalik, nitong pait na sinapit.
Ang pagluha at paghikbi ang tanging kapalit.
Nayurakan na ang lahat dahil sa panimdim.
Ang ligayang hatid sa taksil mong damdamin.Wawakasan ko na, para magiging masaya ka.
Bibitawan ko na, ang meron sa ating dalawa.
Ibaling na lang sa bagong darating.
Pero sayo pa rin ang puso kong naghuhumaling.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw