Nabusabos baga, itong ating bayan.
Pilit pinasok, wikang dayuhan.
Tila pinagbunyi, kolonyal na kaisipan.
Ang wikang sarili, tuluyang niyurakan.Kung babalikan, kasaysayan ng wika.
Nababalot ito, ng dugo at luha.
Nang mga bayaning, nasadlak sa dusa.
Na ipaglaban ito, sa mga dayuhang banyaga.Si gat Jose Rizal, yaong nagwika.
Ang hindi marunong magmahal, sa sariling wika.
Higit pa sa hayop, at malansang isda.
Na katulad sa dayuhang, mapang-alipusta.Anong silbi, ang pinaglaban nila.
Kung wikang Filipino'y, tuluyang mabubura.
Sa puso't isipan, nitong bansa.
Nang dahil lamang, sa sariling pita.Kasumpa-sumpa, ang bansang ito.
Ang sariling wika'y, wala ng espasyo.
Dahil ibig patayin, at tanggalin ito.
Ang wikang kinamulatan, wikang Filipino.Wikang nagpapatatag, ng pagka-makabayan.
Tuluyang kinitil, wikang Filipino maging Panitikan.
Bagamat nakaukit, sa ating kasaysayan.
Naaagaw pa rin, dahil sa kahangalan.Kabataan pa nga ba, ang pag-asa ng bayan.
Kung sa kanila'y turan, ay kapararakan.
Wika'y limutin, na siyang kinagisnan.
Nilamon ng maling sistema, at nilalapastangan.Kalungkutang nababalot, nitong aking puso.
Hinaing ng bayan, ako'y napadukmo.
Sa pagitan ng aking panulat, at pagsusumamo.
Ang mahalagang papel, ay tuluyan nang sinuko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
شِعرSamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw