Nang sa mundong ito ako'y isilang.
Si ama, si ina ang unang namasdan.
Sila'y tuwang-tuwa at walang pagsidlan.
Sa ligayang dulot ng aking pagsilang.
Ako'y umuuha ng silay lumapit.
Sa ugoy ng kuna iyak ko'y napatid.
Iyon pala'y tanda, ng isang pag-ibig.
Na sa aming tatlo'y hindi mawawaglit.
Tumawa't umiyak ang tanging nagagawa.
Sa gayo'y kita kong sila'y natutuwa.
Dumedi't umiihi, dumudumi pa nga.
Pagkat ako'y mahal, tanging mutyang-mutya.
Hirap man si inang magpalit ng lampin.
Hindi siya galit, bagkus nakatawa pa rin.
At saka nang ako'y kanyang kargahin.
Parang iisa lang mga puso namin.
Umiyak si Ina nang ako'y may sakit.
Pumatak ang luha na napakapait.
Nang ako'y gumaling, naparam ang sakit.
At ang tuwa niya'y, abot hanggang langit.
Nang minsang si ama ay hindi umuwi.
Si inang manahang sa aki'y humikbi.
Habang yakap ako, siya'y napangiti.
Sapagkat si ama, may gamot na uwi.
Habang ako'y tumatanda't lumalaki.
Ang kayod ni ama, ay araw at gabi.
Si inay lagi nang sa aking tabi.
Bumagyo't umaraw, ako ay laging iniintindi.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetrySamu't saring tula sa totoong buhay, inspirasyon, pag-ibig, at bayan. https://youtube.com/channel/UCUCwTyMqUHhTb2dGZQOmnjw