"Lupang Hinirang"

19 2 0
                                    

Bayang magiliw tagumpay ay laging mithi.
Perlas ng silanganan na may angking kayamanan.
Alab ng puso'y pagmamahal na umaakit sa mga dayuhan.
Sa dibdib mo'y buhay na lumalaban sa digmaan.

Lupang hinirang buhay may ibubuwis sa anumang digmaan.
Duyan ka ng magiting ng mga bayaning lumalaban.
Sa manlulupig karapatan ay ipinaglalaban.
Dika pasisiil sa mga lilong dayuhang  nais kumamkam.

Sa dagat at bundok likas ay kayamanan.
Sa simoy at sa langit mong bughaw pag-asa't ligaya'y asam-asam.
May dilag ang tula na sa tuwina'y adhika.
At awit sa paglayang minamahal yaring bansa'y naging Republika.

Ang kislap ng watawat mo'y sa lupang sinilangan.
Tagumpay na nagniningning mula sa mga bayaning naninindigan.
Ang bituin at araw may kislap na kasarinlan.
Kailan pa ma'y di magdidilim adhika nitong bayan.

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta ng mga bayaning nagdusa.
Buhay ay langit  sa piling mo'y saya at pag-asa.
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi digmaa'y 'di uurungan.
Ang mamatay ng dahil sayo'y KALAYAAN! aming isisigaw.

(Mula sa liriko ng Pambansang Awit ng Pilipinas)

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon