Chapter 1

408 10 1
                                        

Chapter 1

That guy with a pretty face

Sa mga nag daang araw ay panay ang tawag sa akin ni papa na kahit kailan naman ay hindi ko sinagot, panay rin ang text niya at sinasabing umuwi na ako at gusto akong makausap ng asawa niya. Hindi ko masikmura ang pag tawag sa kanya ng mama gayong kailan man ay hindi siya naging ina sa akin, inaaya pa ako ni papa na umuwi at makipagkilala sa anak ng asawa niya. As if I'll do that. Sinasabi pa niyang kapatid ko iyon at kailangan kong tanggapin sila sa pamilya. Over my dead body. Magkakamatayan muna bago ako mapapayag na makipagkilala sa kanila.

"Hoy, bakla! Tulala ka nanaman. Anong balak mo sa buhay mo?" Napairap ako kay Jamie. Nandito kami sa apartment ko at ang walanghiya ay ginalaw ang mga pagkain ko na nakalagay sa ref. "Hindi ko na nga rin alam ang gagawin ko sa buhay." Kinuha ko sa kamay niya ang bowl na may lamang french fries at kinain rin. Napabuntong si Jamie sa ginawa ko, "Alam mo, bakla? Mag boy hunting--" Sinubo ko sa bibig niya ang tatlong malalaking french fries sapat lang para hindi niya matapos ang sasabihin niya. Babatukan niya sana ako sa ginawa niya nang tumunog ang cellphone ko.

Daddy calling...

Ngumuso si Jamie sa iPhone ko at sinasabing sagutin ko ang tawag, "Sige na, ateng! Dalawang linggo ka nang hindi umuuwi sa San Miguel, nag aalala na sayo ang papa mo." Napairap ako kahit alam kong may punto siya, huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag.

"Hello." Walang emosyon kong saad. Wala akong naririnig sa kabila kundi ang ingay ng mga hindi pamilyar sa akin na boses. Nanginig ang kalamnan ko sa mga narinig kong tawanan nila bago ko marinig ang malambing na boses ng isang babae.

"Mama, I want to meet her so bad and I guess papa misses her too, right, papa?"

What the fuck? Papa? Tama ba ang rinig ko na tinatawag niyang papa ang papa ko? E kung hindi pa man din nga ako makapatay!

"Is she on the phone, papa?" Ilang mabibilis na paghinga ang ginawa ko. "Y-ynah.." saad ni papa sa kabilang linya,

"Ang saya niyo ha." Yes I'm aware that I sounded bitter, hindi ko maiwasan. "Y-ynah, mas masaya kung nan--"

"Cut it off, pa. Enjoy your everyday with your family." Saad ko bago ko pinatay ang walang kwentang phone call. Napangiwi si Jamie sa itsura ko at napairap ako ng todo. Alam ng baklitang ito ang nangyayari sa buhay ko, "Ang saya nila." Saad ko sa kanya, sinubukan kong maging matapang sa harap niya kaso ay naramdaman ko na agad ang pag aapoy at pamamasa ng gilid ng mga mata ko, "Ang saya nila habang ako nasasaktan." Nanginig ang boses ko at napayakap na lang sa kanya hanggang sa napahagulgol na lang ako habang tinatahan niya.

Sa sumunod na mga araw ng sem-break namin ay inasikaso namin ni Jamie ang pag e-enroll sa second sem. Block 1 kami dahil maaga pa lang ay nagpa pre-advise na kami. Bumili kami ng mga gamit namin para sa susunod na sem at sinamahan ko siyang ipa rebond ang lagpas balikat niyang buhok at nagpa massage. Jamie's 24 and I'm 18. Hotel and Management ang una niyang course at nag aral lang ulit siya ng Business Administration, meron silang sariling resort sa Manila kaya kung minsan ay umaabsent din siya para maasikaso ang business nila kapag nagkaproblema.

Nang mag undas naman ay sinigurado kong hindi ako makikita ni Papa sa puntod ng mga lola ko kaya mag aalas sais pa lang ay nandoon na kami ni Jamie at nag iwan kami ng bulaklak at di rin kami nag tagal nang dumami na ng dumami ang mga tao sa sementeryo kaya naman dumiretso na lang kami sa kanila at doon pumirmi.

Natapos ang Sem-break namin at bumalik na ulit kami sa klase. Tanghali ang klase namin at ang una naming subject ay Math of Investment. Naging prof na namin last year ang prof namin kaya naman hindi na kami kinabahan at natakot sa prof. May dumating na announcement na may nabago sa schedule namin sa klase ng TF at naapektuhan ang subject naming PE na 1:30-3:30 dahil ang Personal Development and Human Relations na pangatlong subject namin na dapat 10:30-12:00 ay naging 12:30-2:00. "Pakitext kami kapag dumating yung prof natin sa English." Bilin namin kay Klarisse.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon