Chapter 26
Furious
Mabilis lang na lumipas ang araw. Kahit sabihin kong naging abala kami sa mga klase ay hindi man lang nagkulang ng oras sa akin si Calix. Kung minsan sa loob ng isang linggo ay dalawang araw siya kung matulog sa apartment ko kapag wala si Jamie.
Ngayon ay final requirements na lang ang inaasikaso namin dahil dalawang linggo na lang ay bakasyon na.
"And for your final requirement, I need you to write about your learnings. You need to do this by group. Each group will be consisting of 3 members."
Nagkagulo ang mga kaklase namin sa announcement ng History prof namin. Nagkatinginan kami nila Matthew at Jamie.
"Tayo na lang." Ani Matthew. Tumango ako at ganoon rin si Jamie. Naghanda na rin ako ng papel para maisulat ang mga pangalan namin at maipasa.
"You also need to pass a shirt with a design regarding the topics that were discussed."
Napanguso ako. Sobrang daming gagawin.
"Saan tayo gagawa?" Ani Matthew.
"Sa apartment ko na lang." Agad kong sagot. Tumango siya sa akin.
Gustuhin man ni Jamie na sa bahay na lang nila Matthew gumawa ay hindi ako makapapayag. Kung gusto ko lang mapagselos si Calix ay hindi ko gagawin.
Matapos naman ang PE namin ay hinatid na agad ako ni Jamie sa bahay. He's not sleeping here tonight so..
I texted Calix na nakauwi na ako at wala akong kasama sa bahay. Hindi naman siya nagreply agad, marahil ay busy sa bahay nila. Umuwi kasi siya sa kanila dahil may kung anong kaganapan doon. I'm not sure what it is though.
Nagbukas na lamang ako ng facebook para makapaglibang. Nagulat na lang ako nang makita na may friend request sa akin.
Lana Junio
Tumaas ang kilay ko. So, she's not using the name of his father? Who is her father anyway?
Hindi ko sana i-a-accept ang request niya nang makita kong friend siya ni Calix. Kumunot ang noo ko doon. What does he have to do with this girl? What does she have to do with him? Do they know each other? Does he know about my relationship with her?
Agaran kong inaccept ang request niya dahil sa pagkakakuryoso. Ayoko mang i-stalk ang profile niya ay nagawa ko. Bumuntong hininga lamang ako nang wala akong nakita na kahit ano.
Nawala lang ang atensyon ko nang mag flash sa screen ng phone ang name ni Calix. Agad ko iyon sinagot.
"Hello?"
"Ynah, I can't make it tonight. May inaasikaso ako."
Tumango ako na para bang nakikita niya.
"Okay. I'll just see you next week, then?"
"Yes, sweetheart. I'm sorry."
Ngumuso ako at umiling.
"It's okay.."
Narinig ko ang buntong hininga niya at matagal pa bago ko ulit narinig ang boses niya.
"I love you.." sumibol ang kabog sa dibdib ko.
"I love you too." Tahimik siya nang sagutin ko iyon. Tanging hininga lang niya ang naririnig ko sa background nang may magsalita.
"Calix?"
Agaran niyang pinatay ang tawag nang marinig ko ang boses ng babae doon.
Kung anu-anong imahe ang pumasok sa isip ko nang maisip na mabilisan niyang pinutol ang tawag.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
General FictionSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...